McCoy de Leon, tanggap ang pamba-bash sa love team nila ni Maris Racal

McCoy de Leon, tanggap ang pamba-bash sa love team nila ni Maris Racal

Maris Racal and Mccoy de Leon
Maris Racal and Mccoy de Leon

Mula sa pagiging ordinaryong talent sa teleseryeng “Be Careful With My Heart”, unti-unti nang nagkakapangalan si McCoy de Leon na partner ni Maris Racal sa “We Will Survive” at napapanood sa “It’s Showtime” bilang isa sa mga miyembro ng Hashtags.

“Actually, ‘di ko po expected talaga na mabibigyan ako ng role sa showbiz. Ang gusto ko lang po talaga noon ay makatapos, maging engineer, ‘yon talaga ‘yong pangarap ko.

“Nagustuhan ko naman po ang showbiz, napamahal na rin sa akin. Gina-grab ko lang po ‘yong mga opportunities na dumarating, pero hindi ko pa rin po iiwan ang studies ko,” kuwento ng binata.

Ka-love team dati ni Maris Racal si Manolo Pedrosa kaya tinanong na rin namin siya kung ano ang reaksyon niya sa pamba-bash sa kanya mula sa fans ng Manolo.

“Si Manolo, kaibigan ko po siya. Pero siyempre, binigay sa akin ‘tong project na ‘to, ipinagkatiwala sa akin at gagawin ko nang buong-buo.

“Siguro naman po, kung may mamba-bash, tatanggapin ko po ‘yon. Kasi siyempre, ‘yon po ‘yong nararamdaman nila, si Manolo ‘yong sinusuportahan nila, wala po akong magagawa roon, kaya okey lang po.

“Pero ita-try ko din silang pasayahin or maging masaya rin sila for Maris, gagawa rin ako ng way para mapasaya sila,” sey pa ni McCoy de Leon.

La Boka
by Leo Bukas