McCoy de Leon, solong nagpunta sa anniversary ng McLisse

ADVERTISING

McCoy de Leon, solong nagpunta  sa anniversary ng McLisse

McCoy de Leon, solong nagpunta  sa anniversary ng McLisse
McCoy de Leon

AYON kay McCoy de Leon, wala naman siyang napapansing kakaiba sa ikinikilos nina Joshua Garcia at Julia Barretto habang nagsusyuting sila ng zombie movie na Block Z.

Hindi rin daw niya nakikitang depressed ang kaibigang aktor.

“Ay, hindi naman,” reaksyon ni McCoy nang makatsikahan namin sa Pista Pelikulang Pilipino kung saan official entry ang barakada movie nilang G!

“Lalo siyang nagwo-work hard ngayon, eh. Lalo siyang  nagsisipag. Pero hindi naman siya yung depress. Nakikita kong masaya siya kapag nagtatrabaho kami,” dagdag ni McCoy.

ADVERTISING

Lalong hindi rin daw niya nakitang nag-iiwasan sa set ng Block Z sina Joshua at Julia kahit hiwalay na sila.

“Wala akong napapansin sa kanila. Nag-uusap sila, eh. Hindi naman sila nakaka-delay sa trabaho at yon naman po ang importante,” sambit pa niya.

“Siyempre, may pinagsamahan naman sila, eh. Kumbaga, yon yung good thing na hindi sila magkaaway, yon ang maganda,” hirit pa ng aktor.

Samantala, ibinalita rin ng binata McCoy na nagpunta siya sa anniversary ng McLisse pero wala don ang dating kapartner na si Elisse Joson.

 “Nag-anniversary ang McLisse, secret ako na nagpunta do’n. Actually, wala siya don. Gusto ko lang ipakita  sa kanila na… gusto kong suklian kung ano yung binigay nila sa akin. Gusto kong ibalik yung saya na binigay nila sa akin.

“Yung mga fans naman alam din nila kung ano ang nangyari kaya hindi na rin sila…  Pangit kasi yung word na umaasa, eh, pero kung wala na talaga, naiintindihan naman nila yon. Ang importante makita nila yung presence namin at masaya na sila don,” huling pahayag ni McCoy.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING