McCoy de Leon, sabik na makasama si Elisse Joson sa pelikula!

ADVERTISING

McCoy de Leon, sabik na makasama si Elisse Joson sa pelikula!

McCoy de Leon, sabik na makasama si Elisse Joson sa pelikula!
McCoy de Leon

Hindi man kasama ni McCoy de Leon ang ka-love team na si Elisse Joson sa debut film niyang  Instalado na finalists sa 2nd ToFarm Film Festival ay alam niya raw na maiintindihan ito ng kanilang supporters.

       “Ang sa akin naman po kasi, nag-start naman po ako sa Hashtag as isa lang din, mag-isa lang din ako, pero nagkaroon din ng project. Siguro, dagdag lang rin ito.

       “Open naman po siguro yung mga tao na may makita silang… maiintindihan naman  po nila na ako lang munang mag-isa,” rason ng aktor.

       Pero siyempre, gusto rin ni McCoy na makasama si Elisse sa pelikula kaya nang sabihin namin sa kanya na interesado ang isang producer na i-cast ang McLisse sa possible MMFF movie ay natuwa siya.

ADVERTISING

       “Ah, talaga po. Wow. Sobrang thankful po talaga kung sakaling matuloy yon. Mahirap po kasi, eh. Naniniwala po kasi ako sa usog, ganyan.

       “Actually, tina-tag lang po kami ng fans at nagugulat ako na, ‘Ay, may ganu’n pala kami.’ Pag nandyan na po talaga, do’n ko po masasabi na eto, meron na po. Ang hirap pong magsalita talaga kasi,” sey pa ng guwapong binata.

      Ang Instalado ay sa direksyon ni Jason Paul Laxamana at palabas na from July 12 to 18.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING