McCoy de Leon, nilinis ang pangalan ni Vice Ganda sa ‘hipuan issue’

ADVERTISING

McCoy de Leon, nilinis ang pangalan ni Vice Ganda sa 'hipuan issue'

McCoy de Leon, nilinis ang pangalan ni Vice Ganda sa 'hipuan issue'
McCoy de Leon

SA EXCLUSIVE interview namin kay Hashtag McCoy de Leon sa storycon/announcement ng cast ng Ang Panday ay nilinaw niya ang isyung nahipuan siya ni Vice Ganda sa It’s Showtime habang naglalaro sila sa Cash-Ya segment.

Aniya, “Aksidente lang po yon and actually, hindi po tumama talaga (sa kanyang private part). Sa kamera lang talaga mukhang tumama, sa hita lang talaga po.

“At saka tinawanan lang po namin yung nangyari. Saka po ang tingin na sa akin ni Ate Vice ay anak na po at ang tingin ko kay Ate Vice ay ate nga po, eh. Hindi nga nanay kasi kaibigan ko nga po siya, nasasabihan ko ng problema,” paliwanag ng binata.

Hindi na rin daw kailangang rebyuhin pa ng MTRCB ang naturang episode katulad ng iminumungkahi ng isang netizen.

ADVERTISING

“Wala naman po dapat ika-worry kasi wala naman po talagang nangyaring hindi maganda.

“Para sa akin, nasa hita lang, sa kamera lang talaga mukhang tumama. Katuwaan lang po yung nangyari don, saka tumatawa lang kami,” giit pa niya.

After that incident ay hindi rin daw siya nailang kay Vice.

“Wala po kaming problema. Tinatawanan lang po ni Ate Vice yon. Tawanan lang kami, biruan lang kahit sa Showtime nung kinabukasan.”

“Siguro sobrang na-misunderstood lang po talaga yung nangyari. Siguro, namalik-mata lang yung mga tao kasi yung kamera nasa gilid, pero sa hita lang po talaga tumama,” paliwanag pa ni McCoy.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING