McCoy de Leon hindi nagmamadaling pakasalan si Elisse Joson

Leo Bukas

KAHIT may anak na sina McCoy de Leon at Elisse Joson – si Baby Felize — ay hindi raw sila nagmamadaling magpakasal. Ito ang inamin ni McCoy nang makausap namn siya sa special screening ng musical film na Yorme: The Isko Domogoso Story kamakailan lang.

Ani McCoy, “Lagi naming pinag-uusapan ni Elisse yan, pero lagi naming binabanggit sa sarili namin na dapat maging praktikal lang kami. Siyempre, di rin biro ang manganak lalo na ngayon pandemya, kailangang mag-ipon.

McCoy de Leon hindi nagmamadaling pakasalan si Elisse Joson
Elisse Joson and McCoy de Leon | Inset: Elisse with daughter

“Yung kasal Kuya Leo, siguro soon, wala namang problema do’n. Darating din naman tayo do’n. Kailangan lang siguro talaga naming paghandaan yon.”

Patuloy ng aktor, “Saka di naman ako ang sasagot, ako naman ang magtatanong kasi ako yung magpu-propose.”

Idinagdag din ni McCoy na sa ngayon ay mas nakatuon ang kanyang atensyon kung paano palalakihin nang maayos at maibibigay ang pangangailangan ng kanyang mag-ina.

“Matinding responsibility yan on my part kaya kailangan kong mas maging masipat,” sambit niya na aminado ring napakalaki talaga ng ipinagbago ng kanyang buhay simula nung maging isang ama na siya.

Reaksyon niya, “Masasabi ko lang, masayang-masaya ako sa buhay ko ngayon. Ibang-iba, ibang turning point ito. Kumbaga, nagkaroon lalo ng direksiyon.

“Di ko ma-explain yung words, pero ang sarap pala magkaroon ng anak lalo na ng pamilya. Mas lalo kong gustong magpurisge sa buhay. Di lang sarili ko ang binubuhay ko, di lang pamilya ko, kapatid o magulang ko.

“May sarili na akong pamilya na bubuhayin ngayon. Dodoblehin ko kung paano ako magtrabaho ngayon. Siyempre, habang nagtatrabaho, mas inspired, mas happy ako sa gagawin ko.”

Eh, ano naman ang reaksyon niya kapag sinasabing mas mas kamukha niya si Baby Felize kesa kay Elisse?

Pabirong sagot ni McCoy, “Ayokong magsalita, baka magalit si Elisse. Ha-ha-ha! Siguro malakas ang dugo ko.

“Pero paglaki niya, sure ako na kasing-ganda niya rin si Elisse. Pero sana maging mabait siya. Di naman importante kung ano ang hitsura, basta mabait, makatao, makisalamuha nang maayos. Yon lang naman,” pahayag pa ni McCoy.

Excited naman si McCoy sa pagdiriwang ng darating na Kapaskuhan dahil unan taon nila ni Elisse na makakasama ang kanilang baby.

“Masaya kaming magpa-Pasko. Frst time namin ni Elisse na mag-Pasko at first time din namin na may anak na mag-Pasko. So, maraming gastos,” sabay tawa niya.

“Sobra. Iba talaga.  Ibang turning point ng buhay ko ito kaya sa akin, hindi ko palalagpasin ito saka memorable sa akin. Ibibigay ko ang lahat ng happiness sa kanila lalo na ngayong Pasko,” excited na sabi ulit ni McCoy.

Previous articleCelebrities pinuri si VP Leni Robredo sa pagiging hands-on leader at sa mabilis na pag-aksyon
Next articleKPOP Album Review: Peaches by KAI