McCoy de Leon gaganap bilang teenager na Isko Moreno sa pelikulang ‘Yorme’

Leo Bukas

NAGSIMULA nang magsyuting ang Saranggola Media Productions ng pelikulang Yorme. Ang Yorme ay istorya ng buhay ni Manila Mayor Isko Moreno na naging member ng youth oriented show na That’s Entertainment bago pumalaot sa mundo ng pulitika.

McCoy de Leon gaganap bilang teenager na Isko Moreno sa pelikulang ‘Yorme’
McCoy de Leon

Si Mccoy de Leon ang gaganap na teenager na Isko. Si Raikko Mateo naman ang batang Isko. Ia-announce ng production team ng Saranggola sa mga susunod na araw kung sino ang mapipili nila to play as Mayor Isko ng present time.

Lumutang ang mga pangalan ng aktor na Arjo Atayde, JC de Vera, Marvin Agustin, Dennis Trillo at Xian Lim sa mga pinagpipilian bilang Mayor Isko pero final decision kung sino ang mapipili. Let’s just wait for the formal announcement.

Lumaki sa Tondo si McCoy na katulad din ni Mayor Isko kaya hindi na nahirapan ang aktor na mag-adjust sa lugar ng shooting na kadalasan ay sa Tondo. Flattered din si McCoy na ipagkatiwala sa kanya ang role ng actor-politician.

Ang Yorme ay sa direksyon ni Joven Tan.