McCoy de Leon, bagong ka-love team ni Maris Racal

McCoy de Leon, bagong ka-love team ni Maris Racal

McCoy de Leon, bagong ka-love team ni Maris RacalMay bagong kapareha ang alumni at Big Winner ng PBB Teens na si Maris Racal at ito ay ang Hashtag Boys member na si McCoy de Leon, na anak ng Mr. Pogi ng “Eat Bulaga” na si Mark de Leon.
Katulad ng kanyang Daddy Mark, guwapo rin si McCoy na ang kaguwapuhan ay kumbinasyon ni Mark at ng kanyang magandang misis.
Bukod nga sa husay sa pag-arte ay namana rin ni McCoy sa kanyang ama ang husay sa pagsayaw, kung saan si Mark ay minsan ding naging member ng dating sikat na all-male dance group sa “Eat Bulaga”.
Masuwerte nga si McCoy. Nabigyan siya ng magandang break sa “We Will Survive” at naipareha kay Maris.
Marami ngang kapatid sa panulat ang nagsasabing bagay na bagay sina Maris Racal at McCoy. Sana ay mag-click din ang love team ng mga ito at maging kasing sikat ng KathNiel, JaDine, LizQuen, at KimXi.

John’s Point
by John Fontanilla