McCoy de Leon at Elisse Joson, nagpakilig sa kanilang anniversary

OPEN BOOK sa publiko ang pinagdaanan ng relasyon nina McCoy de Leon at Elisse Joson. From meeting each other inside the Big Brother house hanggang sa sila’y maging magka-loveteam, nauwi sa totohanan ang kanilang tambalan. Umabot din sa puntong naghiwalay sila ng landas ng ilang taon, pero tila tadhana na ang naghanap ng paraan para sila ay magkabalikan muli at bumuo ng isang pamilya.

Para sa kanilang anniversary ay nagpakilig ang McLisse sa social media.

McCoy de Leon at Elisse Joson, nagpakilig sa kanilang anniversary
McCoy de Leon and Elisse Joson with Baby Felize

Ayon kay McCoy, alam niya na hindi magiging madali ang journey nila ng ka-live-in partner bilang mga magulang ni Baby Felize, pero ang mahalaga raw ay masaya sila sa piling ng isa’t isa.

“Nu’ng sinubukan natin ulit noon alam natin na hindi magiging madali. Alam natin na marami tayong pagdadaanan ulit pero ito tayo ngayon magkasama pa rin.

“Tuloy tuloy pa rin ang pag diskubre natin sa isat isa at sa mundo. Kinakaya maabot ang pangarap ng magkasama,” post ni McCoy sa kanyang IG account.

“Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko sayo, gagawa’t gagawa ako ng paraan sa abot ng aking makakaya maibigay ko ang kasiyahan mo dahil mahal kita.

“Happy Anniversary sa atin Elisse ko palagi kitang nasa dasal ko promise. I love you!” pahabol pa ng aktor.

Sa kanyang sariling account naman ay nagpost din si Elisse ng kanyang appreciation para sa partner. Nagpasalamat ito dahil mapagmahal at responsableng asawa at ama si McCoy.

“Happy Anniversary Mahal ko.. thank u for your love and patience and everything in between. I love you,” sambit ni Elisse.

Sa ibang post naman ay nagpahayag si McCoy ng kanyang damdamin bilang isang ama sa unica hija nila na si Baby Felize.

McCoy de Leon at Elisse Joson, nagpakilig sa kanilang anniversary
Elisse Joson and McCoy de Leon | Inset: Elisse with daughter

“Tuwing tinatanong ako na ‘Ang saya magkaron ng anak no?’.Higit sa oo ang gusto kong isagot lalo na kung alam lang ng lahat na napakabait mong bata.

“Napakaganda ng anak ko” yan lagi kong nababanggit tuwing nakikita kita. Hindi ko lam bakit sobrang swerte ko na may anak akong katulad mo, ito pala yung pwede kong masabing may perpekto.

“Napaka dali mong mahalin anak. Higit sa kasiyahan ang nabibigay mo sa akin tuwing nakakasama at nakikita kong nakangiti ka. Ikaw ang lagi laman ng dasal ko lagi na sana kung wala ako gabayan ka lalo ng Diyos.

“Alam kong dadating ang panahon pag matanda ka na mahahati ang oras mo sa amin, dahil lumalawak na ang mundo mo pag tumanda ka. kaya sasamantalahin ko na tong pagkakataon na to na lagi mo kaming kailangan ngayon.

“Pangako anak ko buong buhay ko nakalaan na sayo, lahat ng paraan para mabigay ko ang kasiyahan mo gagawin ko.

“Mabilis ang panahon lumalaki ka na sana lagi mong tatandaan na nandito palagi si Daddy sa tabi mo para gabayan, protektahan, iintindihin at mamahalin ka. Mahal na mahal kita Felize sobrang swerte namin sayo,” proud na sambit ni McCoy.

 

 

Previous articleSolenn Heussaff is pregnant with second baby!
Next articleKPOP Album Review: I’m Nayeon by Nayeon (Twice)