McCoy de Leon at Elisse Joson, minulto

ADVERTISING

McCoy de Leon at Elisse Joson, minulto

McCoy de Leon at Elisse Joson, minulto
McCoy de Leon

HINDI MAN siya kasama sa pelikulang Unli Life (palabas ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino) ay sinuportahan naman ni McCoy de Leon ang best friend niya na si Jon Lucas at ang kanyang Kuya Vhong Navarro.

Kahit sa maulang Lunes ng gabi ay dinayo pa ng binata ang naturang event.

Sa short tsikahan namin ni McCoy, naishare niya ang kuwento tungkol sa minumulto sila sa shooting ng first team-up movie nila ng ka-lovetam na si Elisse Joson na  produced ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo at dinidirek ni JP Habac na nag-direk ng pelikulang I’m Drunk, I Love You na pinagbidahan nina Paulo Avelino and Maja Salvador.

“Yong  mga staff may nakikita. May nararamdaman sila sa set sa Baguio,” pagkukuwento niya.

ADVERTISING

From Baguio ay lumipat sila sa Tagaytay na halos pareho ang topography na mapuno and a bit foggy ang shooting para wala na delay.

As of presstime halos nasa last stretch na sila ng shooting ng movie nina Mccoy at Elisse.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING