McCoy de Leon at Elisse Joson, may baby na

ADVERTISING

McCoy de Leon at Elisse Joson, may baby na

#Hasthtag McCoy de Leon and Elisse Joson with their Baby Mc Mc.
#Hasthtag McCoy de Leon and Elisse Joson with their Baby Mc Mc.

McCoy de Leon at Elisse Joson, may baby na McCoy de Leon at Elisse Joson, may baby na

#Hashtags
#Hashtags

Hindi magkamayaw ang mga fans ng #Hashtags last Saturday evening sa KIA Theater when they performed sa isang SRO show para sa kanilang fans para sa kanilang first major concert dubbed “Roadtrip”.

Super ingay ng crowd na halos wala ka nang marinig sa spiels ng mga bagets.

Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang production number.

ADVERTISING

Ang ganda ng timing ni #Hashtag Nikko sa kanyang pagpapatawa. P’wede siyang maging komedyante.

Si #Hashtag Mccoy hataw sa kanyang buwis buhay na dance performance with Elisse Joson na muntik-muntikan niyang ikinadisgrasya.

That evening, may paandar si McCoy kay Elisse, huh! Niregaluhan niya ang dalaga ng isang puppy na ang tawag nila ay “Baby Mc Mc”.

Yes, sina McCoy at Elisse, may baby na rin.

Si #Hashtag Ryle, pinatuyanan na hindi lang sa sayaw siya magaling.

Si #Hashtag Zeus, sumayaw pero dismayado ang mga fans na girls at bekis dahil hindi ito nagpasiklab at nag-flaunt ng kanyang abs.

Sa totoo lang, bigay todo ang #Hashtags sa kanilang performances para mapasaya ng kanilang fans.

That night sa pagpasok namin sa loob ng Kia, hindi namin mapigilan ang pakairita sa fans nila. Puro tilian at sigawan ang umaalingawgaw sa loob ng show venue na hindi na namin maintindihan ang kinatanta ng #Hashtags.

As a whole, kung fans ka nila, I am sure na mae-enjoy mo ang performances nila. Super bigay-todo sila para maging happy ang supporters nila. Hindi nag-inarte ang lahat ng members na alam ng mga bagets na ito na ang kasikatan nila ay nakasalalay sa mga tagahanga nila.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING