McCoy de Leon at Elisse Joson, halatang may namumuong ‘something’

ADVERTISING

McCoy de Leon at Elisse Joson, halatang may namumuong ‘something’

Elisse Joson & McCoy De Leon
Elisse Joson & McCoy De Leon

Nang minsang mapadaan kami sa “It’s Showtime” nandu’n sa backstage si McCoy de Leon. Siya ang #Hashtags member na kahawig or may similarity kay Coco Martin.

Cute. Kapag nag-smile siya, nawawala rin ang Tsinitong mga mata. Happy siyang tingnan.

Kung tama ang hinala ko, siya ang pinakasikat sa mga kagrupo niya, lalo pa’t nabigyan kaagad siya ng pansin para maging bida sa isang fantasy serye na napanonood tuwing Sunday.

Noong nasa isang fastfood ako para magkape na malapit lang sa ELJ Bldg., ang daming fans ni McCoy ang nag-aabang sa paglabas niya mula sa studio, dahil doon pala sa gate na ‘yun lumalabas ang binata pagkagaling niya ng “It’s Showtime”, kung saan ang grupo nila ang sumasayaw tuwing opening ng pangtanghaling show.

ADVERTISING

‘Di ko alam kung bakit nandu’n si McCoy.

Pero ang mga reporter na kasabayan ko nang dumalaw kami sa show noong hapong ‘yun, tsini-tsika na nila ang binata.

“Friend, siya sa McCoy. Pinai-interview siya ni Vice (Ganda),” bungad sa amin ng kaibigang Rommel Placente na nauna sa amin sa backstage, kung saan galing kami sa presscon ng pelikulang “Barcelona” ng KathNiel.

Si McCoy, siya ‘yong nali-link kay Elisse Joson na minsan na ring na-link kay James Reid noong hindi pa sikat ang binata noong 2014.

Si Elisse naman ay ang bida sa isang burger TVC na nag-e-emote nang hiwalayan siya ng kanyang boyfie sa naturang storyboard ng TVC. Tawag nga sa dalaga ay “Hugot Girl”.

Sa loob ng PBB, nagsama sina McCoy at Elisse. Sa katunyan ay naging malakas ang dating ng binata sa fans lalo pa’t always itong naka-smile na kapag nakaharap mo na siya, good vibes ang dating ng binata.

Sa pagli-link kina McCoy at Elisse sa loob pa lang ng bahay ni Kuya, positive na ang response ng fans sa labas.

Si Elisse, super-hot ngayon, bukod kasi kay James, nagging boyfriend din niya si Jerome Ponce na minsan ding bumisita sa bahay ni Kuya. Dahil hot si Elisse, ang buko, kina James at Jerome. Ang #Hashtags member na si Jon Lucas, nali-link din sa kanya. Pero sa mga lalaking aali-aligid sa dalaga, tila mas may linaw si Mccoy at mas malapit sa dalaga.

No wonder, ang bilis agad ng pagdami ng McLisse fans nina McCoy at Elisse.

Kung titingnan mo sila, tila bagay naman ang dalawa.

Sa Fast Talk segment ni Boy Abunda sa kanyang nightly show na “Tonight with Boy Abunda” (TWBA) last week, nang mag-guest ang tatlong #Hashtags na sina McCoy, Ronnie Alonte, at Paulo Angeles, inamin ng tatlo na hindi na sila mga “virgin” na napangiti na lang kami sa playtime sa kanila ni Kuya Boy.

Virgin or no virgin ay si Elisse ang love ng binata.

Ayaw mang aminin ni McCoy nang hayagan ang ‘something’ na namamagitan sa kanila ni Elisse, ang mga ngiti ng binata kapag tinatanong siya kung sila na nga ng dalaga ay sapat na para paniwalaan mo na ang “something” between them ay totoo at hindi showbiz.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING