MAYWARD invades London: Maymay Entrata at Edward Barber, lalong bumobongga ang tambalan!

ADVERTISING

MAYWARD invades London: Maymay Entrata at Edward Barber, lalong bumobongga ang tambalan!

MAYWARD invades London: Maymay Entrata at Edward Barber, lalong bumobongga ang tambalan!
Maymay Entrata and Edward Barber a.k.a. MayWard

MALAKING PAGBABAGO ang nangyari sa buhay ni Maymay Entrata nang manalo siya sa recent reality show for bagets ng Kapamilya Network.

Mula nang manalo, ang dating mga pangarap lang ni Maymay ay nagkakaroon na ng katuparan.

Ang recent travel niya for a show was in Hong Kong. Sa darating na July naman lalarga na naman ang tambalan nila ni Edward Barber a.k.a. MayWard for London kung saan may show muli ang dalawa.

Happy ang dalaga dahil mula ng maging celebrity siya ay natutupad ang kanyang pangarap na makapag-travel. And take note, free travel ang mga biyahe niya.

ADVERTISING

 “Masaya po ako dahil sa PBB nakakapagbiyahe ako ng libre,” masayang kuwento niya. Sa PBB nakalibre ako ng Hong Kong ngayon London naman. Hindi ko na talaga palalampasin! ” kuwento ng dalaga.

Madaming blessings na dumarating sa dalaga mula nang makilala siya as the big winner sa Bahay ni Kuya.

 

MAYWARD invades London: Maymay Entrata at Edward Barber, lalong bumobongga ang tambalan!
Maymay Entrata

Una na ang music album niya entitled ‘Maymay’ under Star Records na wala pa yatang two weeks simula nang i-release ay naging nagawaran na agad ng Gold Record. Sa telebisyon naman ay pasok siya sa La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na trending every night. Nakatakda naman silang magbida ng kaparehang si Edward sa ‘Loving in Tandem’ under Star Cinema.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa PBB dahil natutupad na ang mga pangarap niya.

Dahil sa success ng isang Maymay Entrata sa showbiz ay may mensahe siya na gustong iparating:

“Basta po huwag magsawa na magpasalamat sa lahat hindi lang sa mga bagong nakilala mo, kundi sa mga taong tumulong sa ’yo noon para matupad mo ang mga pangarap mo at lalo na si Lord ang una sa lahat.”

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING