Mayor Joseph Estrada, aliw na aliw sa mga kandidata ng Miss Gay Manila

Mayor Joseph Estrada, aliw na aliw sa mga kandidata ng Miss Gay Manila

Joseph-EstradaNAKATUTUWA RAW si Manila Mayor Joseph Estrada nang ini-launch sa press ang Miss Gay Manila 2015.

Sa Miyerkules na raw ang grand coronation, kung saan ang ihihirang na Miss Gay Manila ay tatanggap ng P500,000.

Ang bongga, huh! Kaya naman pala ang gaganda ng mga sumali, dahil ang laki ng premyo.

Tawang-tawa raw ang mga reporters habang rumarampa ang mga nagagandahang bading, aliw na aliw raw si Mayor Erap na nakatingin sa kanila. I’m sure nagandahan din at naseksihan si Mayor Erap sa kanila.

Sabi nga niya, pantay-pantay ang tingin nila sa lahat. Kaya kung may Miss Manila, meron ding Miss Gay Manila. Bongga, ‘di ba?

Doon na rin pala sa press launch ay napag-usapan ang pagtakbo ni Sen. Grace Poe sa 2016 elections.

‘Di ba nililigawan na yata siya ni PNoy na tumakbo sa ilalim ng partido niya? Kaya malamang na magkakaroon ng conflict kay Mayor Erap dahil nasa opposition siya.

Paano nga naman kung magiging administration candidate si Sen. Poe, susuportahan ba siya ni Mayor Erap na sobrang close sa pamilya?

Sabi naman ni Mayor Erap, sa opposition talaga siya. Kaya hintayin na lang daw kung ano ang magiging desisyon ni Sen. Poe.

Sana nga hindi magkaroon ng conflict, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis