Mayor Herbert Bautista, umaasang matutuloy ang movie nila ni Kris Aquino

Mayor Herbert Bautista, umaasang matutuloy ang movie nila ni Kris Aquino

Herbert-BautistaHINDI PA nagsisimulang mag-shoot si Quezon City Mayor Herbert Bautista ng movie nila ni Kris Aquino na nagsabing baka hindi na niya magawa ang movie nila dahil madalas siyang magkasakit.

“Ay, hindi ko alam ‘yan. Sana hindi. Kung hindi matutuloy, mas importante ang health before anything else,” say ni Mayor Herbert sa launching ng MLQ: Ang Buhay ni Manuel Luis Quezon, Isang Dula sa KIA Theater sa Cubao.

Noong huli silang nagkausap ay noong, “nasa shooting pa siya (Kris) ng Mistress. ‘Yung huling usap namin ay sinabi niya na tatapusin muna niya at magko-concentrate muna siya roon. Hopefully, matuloy naman ang project, kaya lang nagkakasakit siya,” say niya.

So, regular ang kanilang communication? “With Star Cinema, oo.”

Hindi, with Kris? “Kasama ko si PNoy kanina,” say nito, adding, “Oo naman. Kailangang nagba-bonding kayo. Beyond movie siyempre, friendship should be there.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas