Mayor Herbert Bautista, kasama na ulit ni Kris Aquino sa MMFF movie

Mayor Herbert Bautista, kasama na ulit ni Kris Aquino sa MMFF movie

Herbert-BautistaMAY BIRTHDAY blowout si Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa entertainment press na nag-birthday nu’ng July, August, and September kaya muli namin siyang nakatsikahan. Do’n na rin namin hiningi ang reaksyon niya sa announcement ni Kris Aquino na pasok na ulit siya sa MMFF movie ng Star Cinema.

“Kasi ‘di ba, nagsIsyuting ng Etiquette (For Mistresses) si Kris, tapos nagkakasakit na siya? So nu’ng una, buo na ‘yung pelikula, pero wala pang script, ‘yung cast pa lang. And then eventually, dahil nagkakasakit nga, ayaw na niyang gawin ‘yung movie.

“Pero nu’ng Tuesday, nagmiting kami ni Tita Malou (Santos) and tuloy na ‘yung movie, kasama na ako ulit. Sabi ko nga, okey lang kung hindi ako kasama, pero si Tita Malou mismo ang nagsabi na ‘we want you there, you’re the original cast, hindi puwedeng… somebody else could take the character or the role, pero you are the original cast.’ I was informed din na sa Oct. 9 magre-resume na ‘yung syuting, pero hindi ko pa alam kung kasama na ako ro’n,” dire-diretsong kuwento sa amin ni Bistek.

Nagpapasalamat naman si Herbet sa Star Cinema for considering him again to be part of the project.

“I’m thankful sa Star Cinema dahil they still consider me to be part of the movie. Kahit na maliit lang ‘yung role okey na, basta ang importante, may raket, basta may pelikula,” natatawa niyang pahayag.

La Boka
by Leo Bukas