Mayor Herbert Bautista, ipinagmalaki ang klinika para sa mayroong HIV/AIDS

ADVERTISING

Mayor Herbert Bautista, ipinagmalaki ang klinika para sa mayroong HIV/AIDS

Herbert-BautistaMARAMI ANG nag-aakala na si Mayor Herbert Bautista ang nagpapadala ng mga bulaklak sa haybols ni Kris Aquino tulad sa akala ng marami dahil minsan sa Instagram account ni Tetay, may pahaging siya. Sa mga nakakita ng posting niya ng iba’t ibang mga bulaklak sa bahay niya, iisipin mo na galing ito kay Mayor.

Pero hayagang tumangi si Mayor Bistek na siya ‘yong nagpapadala. “Hindi ako ‘yun.” In short, hindi siya ‘yong secret admirer ngayon ng Star for All Media.

Kaya para matigil na ang walang sawang Bistik-Kris stories, dito muna tayo sa mas may katuturan, mas mahalaga at mas kapaki-pakinabang. Isa na rito ay ang magandang style ng pamamahala ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang pinamumunuang lunsod. Ang hindi alam ng marami, aktibo siya sa mga aktibidades para sa kanyang constituents.

Gusto ko ‘yong ginagawa ni Mayor Herbert na tulungan ang mga Persons with HIV or AIDS kung saan ang Klinika Bernardo (sa harap ng Nepa-Q Mart sa tabi ng isang police precinct along EDSA sa Kamuning) ay tumutulong sa mga kapatid natin na infected ng HIV or AIDS.

ADVERTISING

Lalo pa’t marami pa rin sa ating mga Pinoy ang hindi nakaiintindi sa infection na ito. Kadalasan, pinandidirihan nila ang mga taong may HIV or AIDS. Kung hindi ako nagkakamali, first ito sa Metro Manila cities and town natin na naglaan ng budget ang LGU para sa mga taong may HIV or AIDS.

“Ngayon because of Klinika Bernardo, ang constituents ng Quezon City na infected ng HIV or mayroong AIDS ay may matatakbuhan at may makatutulong sa kanila. Aside from the HIV Clinic, I am planning to set up a hospice for those person with HIV,” kuwento ni Mayor Bistek sa amin.

Ang daming mga kaganapan sa lungsod lalo pa’t magse-celebrate sila ng kanilang 75th founding anniversary.

Sa darating na Lunes, September 15, gagawin ang Miss Diamond Jubilee o Miss Quezon City Pageant that will take place at the AFP Theater sa Camp Aquinaldo.

Isa sa interesting activity sa lungsod ang Quezon City International Film Festival na magaganap naman sa November na pamamahalanan naman ni QC Vice-Mayor Joy Bemonte who is in charge of the Film Development Commission.

On the personal side at tungkol sa kanyang lovelife, no Kris Aquino muna. Ang kuwento ni Mayor sa amin, he lives alone. Hindi siya nakatira sa haybols ng girlfriend niyang si Tates Gana at ang naunang gf niya noong nagho-host pa siya sa Kapamilya Network na si Eloisa Matias, kung saan sa both girls ni Mayor ay may mga anak siya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING