Mayor Herbert Bautista, bihira na raw mag-text kay Kris Aquino

Mayor Herbert Bautista, bihira na raw mag-text kay Kris Aquino

Herbert-BautistaKAHIT NA medyo nagulat ay welcome pa rin kay Quezon City Mayor Herbert Bautista ang chika na meron silang gagawing movie ni Kris Aquino.

“Siyempre it would be an honor for you to work with Kris Aquino,” say ni Mayor Bistek  during his contract signing with Viva Films recently.

Pero kung matutuloy man, “Sa Star Cinema ‘yon, ABS-CBN ang magde-decide du’n.”

Ang type ni Mayor Herbert ay “light like, parang Adam Sandler-Jennifer Aniston rom-com movie.”

Bihira na palang mag-text si Mayor Herbert kay Kris dahil sa busy schedule niya.

“Nag-text lang ako sa kanya nu’ng namatay ang tita niya… Hindi kami ganoon kadalas mag-text,” say niya. Nagulat nga siya sa sinabi ni Bimby na madalas silang magtawagan ni Kris.

“Baka si Bimbs is referring to somebody else. I’m not sure, kasi hindi ko masyadong nakakausap si Bimby.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas