Mayor Hebert Bautista, sa publiko nag-sorry, ‘di sa sinampal na Chinese drug dealer

ADVERTISING

Mayor Hebert Bautista, sa publiko nag-sorry, ‘di sa sinampal na Chinese drug dealer

Herbert-BautistaAND SPEAKING of Herbert Bautista, nagulat kami nu’ng pagbukas namin ng TV ay guest siya, live sa Aquino & Abunda Tonight, kung saan parang one-on-one lang sila ni Kris Aquino. Eh, alam n’yo naman ang lola n’yo, madali ring makalimot, lalo na’t naka-move on na siya.

ADVERTISING

Kaya naman that night ay tsika-tsika lang sila na parang walang nangyari. Friendship uli sila. Itinanong ni Kris ang pananampal ni Mayor sa nahuli sa isang buy-bust operation na isang Chinese drug dealer na sinampal nito nang dalawang beses.

Humingi naman ng paumanhin si Bistek sa publiko kung hindi nila nagustuhan ang ginawa ni Mayor, pero hindi du’n mismo sa sinampal. Nilinaw rin ni Bistek na hindi talaga siya nananakit at nangako pa kay Kris na hindi na ito muling mananakit.

“Hindi talaga nananakit si Mayor…. ng damdamin lang!” huling hirit pa ni Kris, kaya true enough, ang linyang ‘yon ay naging viral sa social media.

ADVERTISING

Kaya ang tanong: mabuhay kaya ang kanilang pag-iibigan?

Kung kami ang tatanungin, mas magandang maging magkaibigan na lang sila at ipahinga na nila ang kanilang mga puso. Pansamantala.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING