Maymay Entrata, itinanggi na ‘may namamagitan’ sa kanila ni Donny Pangilinan

MAY PAKIUSAP ngayon sa mga fans ang Kapamilya actress na si Maymay Entrata na pilit na pinaglilink sila ng kaibigang si Donny Pangilinan. Nagkakaroon na kasi ng clamor ang possible partnership nila to the point na ini-insinuate ng mga ‘MayDon’ fans na ‘may something’ sa pagitan nila ng aktor.

Sa kanyang Instagram account ay nagbigay ng saloobin si Maymay noong Sabado.

Maymay Entrata, itinanggi na 'may namamagitan' sa kanila ni Donny Pangilinan
MayMay Entrata and Donny Pangilinan

“Gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa mga sumuporta sa ‘kin since day one. Sa lahat ng MayDon fans, thank you pero gusto ko rin pong klaruhin na wala pong namamagitan saaming dalawa,”

“Sana ma-stop po ang pag-spread ng rumors about sa ‘min. Maraming salamat po,” pakiusap ng aktres.

As early as June ay itinanggi na ng dalaga na ‘may something’ sila ng young actor.

“Isa ito sa assumptions ng sa gayun ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man,” pagklaro ni Maymay sa Hotspot program.

“Siguro nagsimula ‘yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. At doon yata may mga clip na parang nami-misunderstood nila ‘yung mga galawan namin, ‘yung smile namin, na akala nila nagtitinginan. Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero, hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala,”

Hindi naman itinanggi ni MayMay na may non-showbiz guy na nagpapasaya sa kanya.

“Nabanggit ko na naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo. Hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz,” ani Entrata.

Kaya sa mga MayDon fans na nagwiwish na magiging magdyowa ang dalawa, hindi pa siguro ngayon… or baka hindi talaga ever!