Maymay Entrata binura ang mga photos ni Edward Barber sa Instagram account

ADVERTISING
Leo Bukas

BINURA NA ni Maymay Entrata ang mga litrato ni Edward Barber sa kanyang Instagram account.

Ito ay pagkatapos nilang maglabas ng isang joint statement tungkol sa totoong status ng kanilang relasyon – na wala talaga silang romantic relationship at hindi magkasintahan.

ADVERTISING

Mas lalo pang naunawaan ng MayWard fans na talagang wala na ang dalawa nang mapansing tinanggal na ni Maymay ang mga pictures ni Edward sa kanyang Instagram account.

Maymay Entrata binura ang mga photos ni Edward Barber sa Instagram account
Edward Barber and Maymay Entrata

Wala na rin ang photo nilang dalawa na kuha sa Northern Lights sa Norway at ang kanilang anniversary photo bilang magka-love team.

Masaya at masarap po sa pakiramdam ang idea ng isang romantic relationship, but as we go along our journey, we realize na hindi basta-basta lang to get into a relationship,” lahad ng dalawa sa kanilang joint statement na inisyu kamakailan.

ADVERTISING

Patuloy nila, “Sa ilang taon naming pagsasama, sa trabaho man at sa personal, pareho po namin na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young, and there is so much more we want to achieve in our lives. Pareho po namin na-realize that being the best of friends will even be more beneficial for us.

Maymay Entrata binura ang mga photos ni Edward Barber sa Instagram account
Edward Barber and Maymay Entrata

“Mas kumportable kami makakapagtrabaho. Wala pong pagbabago. Kami pa din ang magkasama dahil there’s no one else we would rather work with than each other.”

Matatandaang nagsimula ang tambalan ng MayWard pagkatapos nilang lumabas sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Nagkaroon din ng launching movie ang MayWard na pinamagatang Loving In Tandem noong September 2017 which was produced and released nationwide by Star Cinema.

 

ADVERTISING