Mayamang business woman, ibinuking ang isang showbiz mom

ADVERTISING

SA ISANG steak dinner, bumabangka ang isang mayamang negosyanteng babae na nagkukuwento kung paano siya naging malapit sa isang showbiz mother.

“Kinuha kami pareho para mag-anak sa binyag, kaso wala siyang ka-partner kaya ako ang ipinares sa kanya,” simulang kuwento ng businesswoman na simple lang kung gumayak.

Mula noon ay dumikit na raw sa kanya ang showbiz mom, napagbentahan pa nga siya nito ng mga mamahaling alahas. “Pero nu’ng ipina-appraise ko, naloka ako, mababa ang uri, pero siningil niya ako nang pagkamahal-mahal!”

Pero hindi roon natuldukan ang kanilang ‘ika nga’y friendship for convenience. “One time, tumawag ‘yan. ‘’Day, saan ka?’ Sabi ko, nasa bahay ako. ‘Yun pala nakapasok na siya sa bahay ko, nasa sala. ‘’Day, dito ako sa ibaba n’yo, bumaba ka na.’ Pero nu’ng sumunod na pagpunta niya sa bahay ko, pinagtaguan ko na talaga siya!”

‘Eto pa ang kuwentong ikinabaliw ng businesswoman. “One time, medyo sinuwerte ako sa casino. Eh, nandu’n siya, kasama ‘yung driver niya. Siyempre, inabutan ko naman siya. Inabutan ko rin ‘yung driver. Sabi ba naman niya sa driver niya, kaharap ako, ha? ‘Oy, ibabawas ko ‘yan sa suweldo mo, ha?’ Hay, naloka talaga ako!”

ADVERTISING

Da who ang showbiz mom na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Sunflower Romulo.

 

By Ronnie Carrasco III

ADVERTISING