Mayabang na young actor, isinisikreto ang special someone dahil sa ka-loveteam

ADVERTISING

ILINILIHIM PALA ng mayabang na actor ang tungkol sa pagkakaroon niya ng special someone ngayon. Dapat daw ay hindi ito nasusulat dahil meron siyang ka-loveteam at magagalit ang kanilang fans.

Tinext niya ang isang writer at tinanong kung bakit sinulat ang tungkol sa GF niya. Paano na raw ang ilusyon ng kanilang fans. Sinagot siya ng reporter na idinenay na lang niya ang tungkol sa dyowa, total sanay naman siyang mag-deny.

ADVERTISING

May kahambugan ang young actor na ito eversince. Kung anu-anong advice na ang ibinigay sa kanya ng dating manager at ng tatay nito tungkol sa tamang asal at pakikisama pero hindi siya nakikinig. Mas pinaarian niya ang katigasan ng ulo at mga sariling desisyon.

Inirereklamo din ng dating manager ang kadamutan at pagiging selfish ng young actor sa panahong humihingi siya ng tulong dito. Nakalimutan na raw ba ng binata ang mga nagawang tulong sa kanya ng ex-manager?

Kunsabagay, hindi na bago ang ganyang mga pangyayari sa showbiz. Marami rin kaming na-encounter na ganyang mga talents na hindi na rin naman nagtagal sa showbiz.

ADVERTISING

By Leo Bukas

 

ADVERTISING