Mayabang na Male TV host, muntik nang makulong sa ibang bansa?!

ADVERTISING

PITIK-BULAG! SINO siya? Sino itong male TV host na ‘to na talagang ubod ng kayabangan? Dahil nga sa mga eksena niya nu’ng nakaraan, may nag-text sa aking kaparrazzi natin, at ito ang kwento niya.

Si male TV host kasi ay muntik na palang makulong sa ibang bansa… ooopsss… bakit? Anong kaso? Dahil sa human trafficking daw!

ADVERTISING

Ay, nakakaloka! May gano’ng eksena? Nakakahiya naman itong male TV host. Buti na lang may biglang tumulong sa kanya para maareglo ang kaso. Isang kilalang politician ito na katiket ni male TV host.

Ayan ha, areglo agad. Hindi talaga siya pinabayaan ng politician, ‘noh? Kahit saan mapunta ay may ganu’ng eksena talaga. Tutulungan kahit ano pa man ang maging kaso… ‘yun na!!! Maloloka ka talaga sa Earth!

(By Tita Swarding)

ADVERTISING
ADVERTISING