Maya at Sir Chief, hit sa ibang bansa

ADVERTISING

Maya at Sir Chief, hit sa ibang bansa

Richard-Yap-Jodi-Sta-MariaNAGKAROON NG pagkakataon ang members of the press na makasama ang cast members ng Be Careful With My Heart sa “Happy Ever After” farewell press conference last September 25 at 55 Events Place, kung saan in-announce ang finale episode nito sa November 28, 2014. Two and a half years itong umere simula nang mapanood noong July 2012.
Sa loob nga ng dalawang taon at kalahati, naging top-rater ito at hindi napatumba ng katapat nitong palabas at humamig ng pinakamataas na ratings sa history ng mga show sa telebisyon. Bukod pa riyan ang ‘di mabilang na award na nakuha ng show at ng ilang miyembro ng cast nito.

ADVERTISING

At hindi lang sa Pilipinas nag-hit ang Be Careful With My Heart, dahil kahit sa ibang bansa ay maraming nahuhumaling at nakatutok dito.

Hindi nga maiwasang malungkot ang buong casts ng kiligserye dahil naging pangalawang pamilya na nila ang isa’t isa, kaya naman paniguradong mami-miss nila ang isa’t isa.

 

ADVERTISING

Hit album na Go Go Go ng Fil-Am singer na si Jeff James, released na sa ‘Pinas

 

ISA NANG certified GMA Records Family ang Fil-Am singer/composer at isang certified YouTube sensation na si Jeff James via his Tagalog version of “Happy” na almost 100k plus na ang views nito at patuloy pang tumataas ang bilang ng nanonood nito.

Kapuso na nga ang mahusay na singer/composer dahil ang GMA Records ang nag-release ng kanyang debut album, ang “Go Go Go” na naglalaman ng 12 songs including “I mo love song”, “169-feat Mindy Mcpeek”, “Go Go Go”, “Good”, “Hawaian girls”, “Isa pang Love song”, “Let’s not pretend – feat. Jegaan Faye”, “Love me”, “Top of the World”, “Wildside”, “Woowoowoo (I think I’m in love), ” at “Love I”.

Nakatakdang lumibot ng iba’t ibang GMA TV shows at radio programs si Jeff James para sa promotion ng kanyang Go Go Go album.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING