MAY PANGHIHINAYANG? John Lloyd Cruz, mahal si Sarah Geronimo pero naunahan lang ni Matteo Guidicelli?

ADVERTISING

MAY PANGHIHINAYANG? John Lloyd Cruz, mahal si Sarah Geronimo pero naunahan lang ni Matteo Guidicelli?

MAY PANGHIHINAYANG? John Lloyd Cruz, mahal si Sarah Geronimo pero naunahan lang ni Matteo Guidicelli?
John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo

KUNG ISA KA sa milyon-milyong fans nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa series nilang romcom na karakter nilang Miggy at Laida,  muli ay magsasama ang dalawa sa bagong pelikula ng Star Cinema na “Finally Found Someone” sa direksyon ni Theodore Boborol.

 
Ang tagal kasi hinintay ang naturang pelikula bago na-materialized.
 
 Si Sarah, left and right kasi ang mga shows and concerts. Si Lloydie naman naging busy sa dalawang malalaking project na “Hele sa Misteryong Hapis” with Piolo Pascual at “Äng Babaeng Humayo” with  Charo Santos kaya time element ang naging problema.
 
Kung maaalala nyo pa, last team up nina Lloydie at Sarah ang “Ït Takes a Man and a Woman” kung saan sa istorya ay ikinasal na sila na ang hanging scene nila ay nag-honeymoon sila at malakas ang “kilig” ng eksena sa manonood.
 
Ang alam ko, bago naging final ang title ng ”Finally Found Someone” ay nakailang palit pa ng titulo at isa na nga dito ang “Dear Future Husband” to that effect.
 
During the presscon, may hugot si Lloydie na kung iintindihin ng maigi ay tila may malalim na siyang attachment sa dalaga sa ilang pagkakataon din na magkasama sila.
 
MAY PANGHIHINAYANG? John Lloyd Cruz, mahal si Sarah Geronimo pero naunahan lang ni Matteo Guidicelli?
John Lloyd Cruz

Sa reunion movie nina JLC at Sarah, may pahayag ang aktor tungkol sa “relasyon” nila lalo na ang emosyon na inilaan niya sa dalaga noon pa man.

 

Sabi ng aktor: “Di ba, hangga’t mayroon tayong maise-share, hangga’t mayroon tayong mapapaligaya, mayroon tayong tamang motivation to do a film like this, bakit hindi? I mean, doon naman nagsimula lahat, kaya we try to keep it real, we try to keep it sincere sa ibinibigay namin,” paliwanag ni Lloydie.

Pero gulat na gulat ang press sa ipinahayag ni John Lloyd:

ADVERTISING

“Hangga’t nandoon, hangga’t mayroon kaming nararamdaman, bakit hindi?”

 
Biro nga niya:” Hanggang Mindanao Ave. Hindi umabot ng Congressional?” na may mensahe na gustong itawid si Lloydie.
 
Nagtangka ba ang binata na ligawan si Sarah para iparamdam ang ”pagmamahal” niya noon?
 
“I wonder kung mawawala yun. Ano ba, life is short. Ayokong mawala eh. Hindi ako umabot sa point na nasabi ko yun. Or siguro ayokong sabihin. Hindi pa. Hindi ko pa nasasabi,” na kung babasahin mo ang sinabi ng aktor ay positibo.
 
 Yes, may romantic feelings ang aktor kay Sarah sa mga pasakalye niya.
Kaso ang dalaga, romantically committed na sa boyfriend na si Matteo Guidicelli kaya malabo na magkaroon sila ng sariling “love story”.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING