May non-showbiz GF na raw
Matteo Guidicelli, pinaaasa lang si Sarah Geronimo?!

ADVERTISING

<i>May non-showbiz GF na raw</i><br>Matteo Guidicelli, pinaaasa lang si Sarah Geronimo?!

Matteo-Guidicelli-Sarah-GeronimoTEKA, BAKIT pilit na inili-link si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo? Balitang may non-showbiz girlfriend na raw ngayon ang binata. Tahimik lang daw ito para hindi mapag-usapan ang present GF niya. Tuwing tatanungin ang hunk actor tungkol sa status ng friendship nila ng Pop Princess umiiwas itong sumagot. Tuloy, magdududa ka kung type nga ba niyang ligawan ang dalaga ?

Maging si Mommy Divine, pinagdidiinan na friends lang talaga sina Matteo at Sarah. Walang malisya raw ang friendship na mayroon ang dalawa. Baka may movie sila together kaya’t niluluto ngayon ang tandem nina Matteo at Sarah for Star Cinema at Viva Films, magsalita ka, Wilbur Hernandez?

Mas enjoy nga ni Matteo kapag ang sentro ng usapan ninyo ay si Andi Eigenmann na totoong bestfriend ng binata. Maraming alam ang dalagang ina tungkol sa personal na buhay ng hunk actor. Open sila sa isa’t isa lalo na pagdating sa lovelife. ‘Yung pakikipag-relasyon ni Matteo kay Maja Salvador na nauwi sa hiwalayan, alam ni Andi ang naging dahilan. Pati nga rin ‘yung kay Jessy Mendiola na hindi nagtagal, naikuwento din nito sa anak ni Jaclyn Jose.

Matteo-Guidicelli-Sarah-GeronimoHindi ba’t sinasabi na si Sarah raw ang naging dahilan kaya nakipag-break si Jessy kay Matteo? Hindi naman nabigyang linaw ang issue na ito. Minsan, may nagtanong kay Andi, bakit hindi puwede maging kayo ni Matteo? Say ng young actress, “May girlfriend na ‘yan, best of friends lang talaga kami,” tsika ng source namin. Sino kayang girl ang tinutukoy ni Andi na dyowa ngayon ni Matteo.

ADVERTISING

 

GOING STRONGER every day ang relationship nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo kahit pareho silang showbiz personalities. Kung minsan nga raw, halos hindi na sila nagkikita ng binata dahil sa hectic ng taping at shooting schedule nilang dalawa.

Sabi nga ni Bea, “Hindi kailangan, palagi kayong nagkikita o nagkakausap. Ang importante, nandu’n ‘yung trust ninyo sa isa’t isa. Pareho pa kaming hindi mahilig mag-call & text. Kung  importante ‘yun, nagtatawagan kami. Limited lang ‘yung time naming dalawa dahil sa trabaho. May teleserye ginagawa si Zanjoe tapos, may movie siyang gagawin with Direk Wenn Deramas under Star Cinema. Ako naman, magiging busy sa susunod kong project. Kung maluwag naman ang schedule, we go out, have dinner together, ‘yun. Nakae-excite kapag nagkita na kayo, marami kaming mapagkukuwentuhan dahil matagal kayong hindi nagkita.”

Blooming ngayon ang beauty ni Bea, because of Zanjoe. Pati aura nito nakikita ang pagiging positive niya in life. Almost perfect na nga ang relasyon nina Bea at Zanjoe, kulang na lang daw ikasal ang magsing-irog. Ayon sa actress, hindi nila minamadali ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang love relationship. Oo nga’t kung minsan, napag-uusapan nila ang kasal pero hindi ibig sabihin nu’n ay ganu’n kaseryoso. Marami pa raw silang mga pangarap at gustong gawin para sa kanilang sarili at sa kani-kanilang pamilya. Hinahayaan lang ng dalaga ang panahon ang magtakda kung si Zanjoe na nga ang makakatuluyan niya.

Kung si Bea ang tatanungin, wish nga niya na si Zanjoe na ang kanyang makatuluyan. Pero hindi niya alam kung ano ang puwedeng mangyari in the near future. Nagbabago raw ang panahon, mahirap umasa at masaktan. Tapos, sa bandang huli magkakahiwalay rin pala sila. “Mas lalong masakit ‘yun if ever na mangyari ‘yun, ‘wag naman sana… Siyempre, napakasakit ‘yun sa parte ng babae, ‘yun ang ayaw kong mangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko,”say ng magaling na actress.

Bukas sa katotohanan ng buhay si Bea, walang expectation. “Mahirap ‘yung nag-i-expect ka tapos, hindi mangyayari. Enjoy mo na lang kung anuman mayroon ka at magpasalamat kay Lord sa mga blessing na dumarating sa atin. I’m so blessed, wala na nga yata akong mahihiling pa. Thanks God,” aniya.

Palibhasa mapagmahal sa magulang at mga kapatid kaya’t binibiyayaan siya ng Maykapal. Patuloy ang magandang takbo ng kanyang showbiz career. Katunayan nga, box-office success ang pelikula niya She’s The One with Dingdong Dantes under Star Cinema. Pati lovelife, smooth sailing, wala kaming masabi. Nakikita sa aura ni Bea kung gaano siya kasaya ngayon sa piling ng mga minamahal niya sa buhay.

Kung intriga naman ang pag-uusapan, walang intriga ngayong puwedeng ibato kay Bea. Say ng actress, “Sa tingin ko, graduate na ako d’yan. Maging positive na lang tayo para lahat masaya, ‘di ba? Erase na lang natin ‘yung negative side para maging positive tayong lahat, ‘yun.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING