May lihim na relasyon nga ba sina Ruffa at John Lloyd?

MARAMI ANG NAWINDANG ng lumabas ang balitang diumano’y naghiwalay na ang matagal ng magnobyong sina John Lloyd Cruz at Liz Uy. Sinasabi ng mga chikadora na ang rason daw ng nasabing break-up ay ang I Love Betty La Fea co-star ng aktor na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan lang ay napabalitang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mag-inang Annabelle at Ruffa. Dahil dito, naglayas daw ang The Buzz host sa kanilang pamamahay. Dahil nga kaya kay John Lloyd Cruz ito?
Minsan nang nagsalita si John Lloyd na wala daw katotohanan ang nasabing balita, pero bakit hindi ito mamatay-matay? Meron pang chikka kamakailan lang na ang yate daw ni Papi Willie ang secret meeting place ng dalawa. Turlaloo kaya itetch?

Sa inyong palagay, may lihim na relasyon nga ba ang ating minahamal na kapamilya? Sagot na at baka ma-publish pa sa diyaryo ang inyong opinyon!

Previous articlePinoy Parazzi Vol.II Issue #78
Next articleRR Enriquez’ fans say Cristine Reyes is lying?

No posts to display