May kani-kaniya kasing lovelife
Erich Gonzales at Mario Maurer, ‘di na ipinipilit na pagsyotain

ADVERTISING

<i> May kani-kaniya kasing lovelife</i><br> Erich Gonzales at Mario Maurer, ‘di na ipinipilit na pagsyotain

<i> May kani-kaniya kasing lovelife</i><br> Erich Gonzales at Mario Maurer, ‘di na ipinipilit na pagsyotainIT WILL be a long weekend, kaya ang daming araw na pamimilian ang mga tao kung type nilang panoorin ang Suddenly It’s Magic nina Mario Maurer (pero ang tamang bigkas pala ay “Mariyo”) at Erich Gonzales.

Oo, alam naming may girlfriend na back at Thailand itong si Mario, kaya hindi na rin ipinilit pa ng mga reporter na um-attend ng presscon na pagsyotain pa ang dalawa. Dahil ang alam namin, may non-showbiz boyfriend din naman itong si Erich.

Nakakatuwa itong si Mario, dahil sa kanyang mga tweets ay hindi nawawala ang kanyang pagsasabi ng “po”. Feeling tuloy ng mga followers niya ay marunong-runong na rin siyang Managalog. Pero at least, he’s trying.

Gandang-ganda sa Ilocos Norte si Mario, pero type pa rin daw niyang puntahan ang iba pang places dito na ipinagmamalaki natin. Kaso, mukhang limited edition na lang ang stay niya rito at pagkatapos mai-showing ang kanilang pelikula ay back to home base na siya, sa Thailand.

ADVERTISING

Habang iniinterbyu pala sila ni Gretchen Fullido for TV Patrol ay titig na titig kami sa mukha ni Mario. Hinahanapan talaga namin ng butas ang pores para masabi naming nagdaan siya sa puberty age kung saan dadalawin ka ng pimples.

Never yatang nagka-pimples si Mario, huh! Kaya insecure na insecure kami sa kutis niyang mala-porselana, nakakalokah! Ngayong araw na ang showing ng Suddenly It’s Magic at hindi po ito horror porke Holloween, ha? Isang nakakakilig na romance-comedy na walang multo, kundi si Cacai Bautista at Joy Viado lang, charaught! Hahaha! Pero love namin ang mga kaibigan naming ‘yan na nang-iinggit, dahil nakatrabaho nga nila si Mario.

Hay, nako… kelan kaya kami makakagawa ng pelikula sa Star Cinema? Parinig?

MAS KILALA namin si Vin Abrenica kesa kay Akihiro Blanco, pero mas bet namin ang huling magwagi sa Artista Academy. At very vocal kami diyan ng aming “anak-anakang” si IC Mendoza.

Pero hindi naman para ma-hate na namin ang younger brother ni Aljur, dahil ginawa namang lahat ni Vin para lang maipanalo ang laban, ‘di ba?

Saka hello, hindi naman kami ang mga hurado o bumoto thru texting para magalit, ‘no! We still wish Vin good luck at sana’y magtuluy-tuloy na ang kanyang tagumpay.

Nu’ng araw pa ay pangarap na ring mag-artista nitong si Vin. Madalas namin siyang maabutang nagrerebyu sa Baang Coffee sa Morato kung saan malapit lang ang inuupahan nilang bahay roon.

Kaya feeling namin, pag-iigihan naman nang bonggang-bongga ni Vin ang opportunity na dumating sa kanya sa tulong na rin ng kanyang mga Kapamilya, kasama na diyan ang kanyang Kapatid.

 

PERO KAHIT talunan ang aming bet na si Akihiro Blanco ay hindi naman nangangahulugan na wala na itong aasahan sa pinasok na larangan. Puwede pa rin itong magtagumpay, depende na rin sa husay niyang umarte, sa right attitude na ipapakita niya at higit sa lahat, sa tamang pakikisama at pakikisalamuha.

Aba, si Aiza Seguerra, 3rd runner-up lang noon sa Little Ms. Philippines, pero siya ang ilang taong namayagpag sa showbiz nu’ng araw. Sa unang batch naman ng PBB, si Nene Tamayo ang nagwagi, pero si Sam Milby ang napansin. At nandiyan pa nga si Jayson Gainza, ‘di ba? Si Ryan Bang ang namayagpag, hindi ang PBB winner na si James Reid.

Ilan lang sa sampol ‘yan na hindi dahil natalo ka e,h wala ka na.

Sino bang mag-aakala na kinabukasan pa ang contest, pero magkasama pa silang natutulog noon sa bangketa at ngayon ay namamayagpag na? Sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto ‘yan.

Kaya sa mga hindi pinalad, hindi pa ‘yan siguro ang guhit ng inyong palad.

<i> May kani-kaniya kasing lovelife</i><br> Erich Gonzales at Mario Maurer, ‘di na ipinipilit na pagsyotain

CONGRATS SA buong cast ng A Secret Affair dahil hindi man nito napantayan ang No Other Woman, pero bongga naman, dahil naka-P100M ito as of Monday, huh!

Kaya congrats kina Anne Curtis, Andi Eigenmann at Derek Ramsay. Siyempre, hindi naman magiging successful ‘yan kung walang magigiting na staff at crew, lalung-lalo na ang namumuhunang Viva Films.

Kaya Boss Vic, hindi po kami nanghihingi ng balato. Mabalitaan lang naming nakakabawi ang bawat producer sa mga ipinuhunan nila ay happy na kami, dahil ibig sabihin, marami pang magagawang project at tuloy pa rin ang trabaho ng maliliit na tao sa industriya.

Pero kung bibigyan kami ni Boss Vic, sino ba naman kami para tumanggi, ‘di ba? Parinig uli?

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING