MAY ISSUE PA RIN? Kuwadra ni Marian Rivera, nilayasan na ni Andrea Torres

ADVERTISING

MAY ISSUE PA RIN? Kuwadra ni Marian Rivera, nilayasan na ni Andrea Torres

 

MAY ISSUE PA RIN? Kuwadra ni Marian Rivera, nilayasan na ni Andrea Torres
Andrea Torres

INIINTRIGA pa rin ang pag-alis ni Andrea Torres sa Triple A management na kung saan ay kakuwadra niya  si Marian Rivera.  Ano raw ba ang nangyari?  Hindi pa rin ba sila okey ni Marian? May malditahan  bang nagaganap at pinagtatakpan lang? Hindi pa rin mamatay-matay ang  tsikang may  ‘gap’ na namamagitan sa dalawa.

 
True ba ang alingasngas na may harangang nangyayari at hindi puwedeng mag-guest si Andrea sa mga shows na kinabibilangan ni Marian?
 
Pero kung may ‘harangan,’ di dapat hindi na kasama si Andrea sa book 2 ng  “Alyas Robin Hood”  na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
 
Balitang babalik na ang naturang serye na kung saan dun din nagsimula diumano na pinagselosan ni Marian si Andrea.
 
Hindi kaya  lalong uminit ang tsismis na ito lalo’t magsasama ulit sina Dong at Andrea?
 
Pero ang napapabalitang leading lady ngayon ni Dong ay si Solenn Heussaff.

~0~

SYLVIA SANCHEZ, NAGMUKHANG BATA
 
Pinaghahandaan  ni Sylvia Sanchez  ang bagong aura niya sa susunod niyang serye kaya  bumata siya at pumayat. Gusto niya ay ibang  hitsura    ang makita sa kanya  ng mga  televiewers.
 
Nagseryoso talaga si Sylvia na  magmukhang bata para patunayan na effective ang ini-endorso niyang BeauteDerm.  Nagulat nga ang isang movie press nang masalubong si Sylvia sa ABS-CBN 2  after ng guesting niya sa “It’s Showtime”  dahil fresh itong tingnan. Kung oobserbahan  ang dating linya sa mukha niya ay nawala dahil   sa pagpahid  niya ng naturang product.
 
“Of  course,  nakakahiya naman sa ini endorse ko kung hindi ako magpapapayat , eh halos karamihan ng mga nagi-endorse ng ganitong klaseng produkto ay  mga slim at  sexy . Kailangan ko ring makipagsabayan,” deklara niya.
 
Nagpapasalamat din siya dahil pinagkatiwalaan siya ng CEO ng BeauteDerm na Ms. Rhea  Tan (Ms. Rhea Tan (Rei Ramos Anicoche Tan).
 
 “Mahirap din kasi ang mataba, nahihirapan akong gumalaw o kumilos,” sambit pa niya.
Tsuk!

 

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

ADVERTISING
ADVERTISING