May involved na third party Relasyong Angelica Panganiban-Derek Ramsay, tuloy na break-up?!

MUKHANG MATUTULOY nga sa break-up itong isyu nina Derek Ramsay at Angelica Panga-niban.

Hindi ko pa nakakausap si Derek, at nasa Boracay pa raw ito sabi ng ma-nager niyang si Jojie Dingcong. Pero mukhang may problema nga ang dalawa na kailangan daw nilang pag-usapan at ayu-sin kung gusto nilang magkaayos.

Kaya lang, ang galing ng ABS-CBN sa ganyan. May pelikula pa naman ngayon sina Angelica at Piolo Pascual na malapit nang mag-showing kaya magagamit ang isyung iyan sa gimmick nila.

Baka nga isipin pa ng iba na gumigimik lang sila para maangguluhan pa ang dalawang bida.

Pero may ginagawang pelikula naman ngayon sina Angelica at John Lloyd Cruz na sa Vietnam pa ang shooting kaya naiintriga silang dalawa.

Nakausap ng ilang reporters si Derek at inamin  niyang nasa cool-off stage sila ni Angelica.

Ang hindi lang maganda, may third party involved, na sana huwag naman daw palabasing si Derek ang nambabae.

Siyempre si Angelica lang ang poprotektahan ng ABS-CBN n‘yan dahil sa TV5 na si Derek.

Basta pagbalik daw ni Derek galing Boracay, magpapaliwanag siya at meron na rin siyang update sa tunay na kalagayan ng relasyon nila ni Angelica.

ABANGAN N’YO nga pala sa Startalk bukas dahil may ilalabas daw si Ara Mina na statement kaugnay sa isyu nila ni Cristine Reyes.

Pagkatapos ba namang laitin siya at mura-murahin sa text, biglang kasama na si Ara sa pinasasalamatan niya sa kanyang acceptance speech nu’ng tinanggap nito ang kanyang Box-Office Queen Award sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation.

Parang kaplastikan naman, ‘di ba?

Inaayos na nga raw ang paki-kipagbati ni Cristine sa ate niya, pero tahimik lang ang huli dahil sinabi naman niya noon na pursigido siyang ituloy ang kaso.

Ang alam ko, wala pang kinakausap si Ara sa mga taga-Viva kaya maglalabas na lang daw muna siya ng statement.

As of yesterday, hinihintay pa ng Startalk ang ipadadala niyang statement. Hindi pa masabi ni Ara kung kailan siya puwedeng magsalita, dahil pinapasa n’ya ito lahat sa abogado niya.

Hinihintay na rin ang pagsasa-lita ng Mommy Klenk nila pero tikom ang bibig nito dahil dalawang anak nga naman niya ang pinagsasabong, nahihirapan siyang magbigay na pahayag.

SA LINGGO na pala magsisimula ang bagong dramedy ng GMA-7 na Tweets For My Sweet na pagbibidahan ni Marian Rivera.

Ang kakaiba rito ay ang participation ni Chef Boy Logro na nakakatawa naman talaga siya.

Pero tampok din dito ang mga kilalang bagets na sina Barbie Forteza at Elmo Maga-lona, kaya abangan n’yo na lang sa Linggo sa primetime ng GMA-7.

May bago kasi akong alaga na magi-guest diyan sa programa ni Marian, kaya abangan n’yo ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleBenepisyo sa Retirado
Next articleDivide and Conquer!

No posts to display