MAY GABBY NA, MAY BONG PA: Sanya Lopez, leading lady na swak sa older men

HINDI maikakaila na si Sanya Lopez ang next important star ng GMA.

Patunay dito ang consistent high ratings ng programang First Yaya at gabi-gabi rin itong trending sa social media. Marami ang natuwa sa pagganap ni Sanya bilang Yaya Melody na nainlab sa isang president, na ginagampanan ni Gabby Concepcion.

MAY GABBY NA, MAY BONG PA: Sanya Lopez, leading lady na swak sa older men
Sanya Lopez as Maya in ‘Agimat ng Aguila’/ Gabby Concepcion and Sanya Lopez in ‘First Yaya’

In reality ay 32 years ang age gap ng dalawa. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang o source ng awkwardness sa mga manonood. Dahil sa youthful charisma ni Gabby at pagiging natural leading lady ni Sanya ay kinakiligan ang light romance-comedy nila. Naging stress-reliever sa mga viewers ang kanilang abot-langit na serye na mapapa-sana ol na lang talaga ang mga yaya na may mga ganitong pantasya.

Tuwing weekends naman ay si Sen. Bong Revilla naman ang kanyang katambal sa ‘Agimat ng Agila’. Nag-uumpisa pa lang na mag-unfold ng karakter ni Sanya rito bilang Maya, pero nasilip na natin ang kissing scene nila na mapapa-‘Anak ng Teteng’ ka na lang. 31 years naman ang age gap ng dalawa.

Bihira ang mga leading ladies na nakakahanap ng chemistry kahit kanino pa sila ipares. With the interest of the public kay Sanya, sana ay hindi ito sayangin ng Kapuso network at ng mga namamahala sa kanyang karera.

Nagbida na si Sanya sa Regal Entertainment sexy film na ‘Wild & Free’ kung saan nakasama niya si Derrick Monasterio. Para sa amin, naging ‘too sexy’ ito for a launching movie for Sanya na hindi ito masyadong kinagat ng fanbase niya that time na karamihan ay mga bata dahil sa Encantadia. Siguro, mas maganda kung mabigyan ito ng lead role sa isang pelikula na isang romance-comedy ulit na pwedeng tangkilikin ng general public.

Balita namin ay hindi na tulad ng ilang GMA shows na shinoot ngayong pandemya ay hindi na rin bibigyan ng extension ang First Yaya kahit pa mataas ang ratings nito. Tulad ng mga Korean Dramas na nasa 16 to 20 episodes lamang, mas mainam na rin ito para hindi pagsawaan ng mga tao. Para na rin ito sa safety ng nakakarami at mabigyan din ng pagkakataon ang iba pang mga artista na magkaroon ng sarili nilang show ngayong pandemya.

Congratulations to you, Sanya gurl! May things look brighter for you in the future!