May-edad nang movie personality, iniiwasan ng rich businesswoman dahil sa umano’y pambubugaw

ADVERTISING

BLIND ITEM: Iniiiwas ng kanyang asawa ang isang rich businesswoman mula sa isang may-edad nang movie personality na naging ka-close nito.

‘Yun ay hindi dahil kada bisita ng personalidad na ‘yon sa negosyante ay meron agad siyang limang libong piso, kesehodang wala namang kapalit na pabor. Likas lang kasing bukas-palad ang businesswoman, na kahit araw-arawin siyang dalawin nito sa loob ng isang buwan (so we’re talking of P5,000 multiplied by 30 days equals P150,000!) ay todo-pasa lang sa kanya.

ADVERTISING

Kaso, the husband got wind of his wife’s friend’s “extra-curricular activities”. May kaugnayan umano ‘yon sa pangangalakal ng mga babae, in short, pambubugaw.

Sa ngayon, dumidistansiya na raw ang negosyante sa bida ng kuwentong ito na itago na lang natin sa screen name na Desiree Panganiban.

 

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING