Maxine Medina walang balak na sundan ang yapak ng mga beauty queens na daring sa pelikula

NAPANSIN niyo ba na naging uso ‘yata ang pagpapaseksi ngayon ng mga ex-beauty queens sa pelikula? Kung noon ay big deal para sa publiko ang paghuhubad ng mga reyna (example: Maria Isabel Lopez, remember?), ngayon ay tila naging ‘new normal’ na rin na makitang nagtatanggal ng saplot ang mga beauty queens. Ilan sa mga examples nito ay ang mga paborito ng Vivamax na sina Cindy Miranda at Kylie Verzosa.

Kung sina Cindy at Kylie ay nagiging sex goddesses na sa kanilang piniling career path, iba naman ang plano ni Maxine Medina.

Maxine Medina walang balak na sundan ang yapak ng mga beauty queens na daring sa pelikula
Maxine Medina

Ngayon na siya ay nasa poder na ng Kapuso Network, naipakita na ng beauty queen turned actress na effective villain din siya as seen on her portrayal as Lorraine sa First Yaya, na magkakaroon ng second book via First Lady.

Habang waiting pa tayo sa upcoming teleserye niya, in-explore muna ni Maxine ang kanyang pagiging komedyante sa bagong putahe ng Regal Studio Presents: Karinderya Queens, kung saan siya gaganap bilang YARA (short for Dayanara) na laging kalaban sa pagandahan at pagalingan si SUSHI (short for Sushmita) na ginagampanan naman ni Miss World 2019 Second Princess na si Casie Banks. Trailer pa lang ay laughtrip na ang pagkabakla ng dalawang reyna, ha!

Nang tanungin ito ng Cabinet Files ng PEP kung may balak ba itong sundin ang career path ng mga kapwa beauty queens na sina Cindy at Kylie, ito ang nasabi ni Maxine:

“By the way, my parents… pinalaki kasi ako ng magulang ko na it should be like this, it should be like that. May respeto ka pa rin with the family and all.

“Siguro kinalakihan ko na rin po talaga yung very conservative [family]. Respect na rin po sa dad ko, kasi siyempre, ayoko naman pong mapanood ako ng dad ko sa mga ganoon.

“Well, tinanong ko na rin po sila before na if their open, but na-explain naman po nila and I understand their side. For me, hindi talaga ako ready sa ganoon.”

Saka I’m a Catholic din po, and siguro, for them [Cindy and Kylie], it’s art.

“Pero sa akin po talaga, no-no po talaga, kasi ang mom and dad ko po, talagang watching over me. Di ba, parang ang hirap naman po?”

Nilinaw naman ni Maxine na magkaiba sila ng career path na tinatahak nina Cindy at Kylie.
“Pero that’s my opinion. I think, yung ginagawa naman nila is art.

“It’s their world, it’s their showbiz world, and they enjoy it naman siguro.

“It’s different naman yung path namin. Yung sa akin kasi, medyo gusto ko lang happy, light, tapos nakaka-work ko pa different kinds of people,” Maxine explains.

Mapapanood na ngayong Sunday ang Regal Studio Presents: Karinderya Queens 4:35 PM sa GMA pagkatapos ng Dear Uge! Pak na Pak!