Maxine Medina, kasamang bibida ni Gloria Diaz sa ‘The Beauty Queens’ ng iWant

ADVERTISING
Leo Bukas

SERYOSO NA talaga ang beauty queen na si Maxine Medina sa kanyang acting career. Bibida na ang kanyang beauty kasama sina Gloria Diaz, Winwyn Marquez at Maris Racal sa iWant original series na The Beauty Queens directed by Joel Lamangan and produced by ATD Entertainment.

“Feeling ko, another role na naman ito na puwede kong gawing perfect this time. Na puwede kong ma-feel at ma-confirm sa sarili ko na kaya ko naman palang gawin. Kasi yung pagsali ko sa pageant noon first time ko yon, eh, make it or break it yon kumbaga,” excited niyang kuwento sa amin.

Maxine Medina, kasamang bibida ni Gloria  Diaz sa ‘The Beauty Queens’ ng iWant
Maxine Medina

Kabado rin daw siyang makatrabaho ang premyadong director na si Joel Lamangan.

Pag-amin ni Maxine, “Kinakabahan ako pero siyempre it’s such an honor kasi Joel Lamangan yon. Naririnig ko na dati yung image niya, kung paano siya magtrabaho kaya hindi rin maiwasan na kabahan talaga ako.

“Pero sabi nga niya nung storycon namin ng Beauty Queens ang ayaw lang naman niya ay yung ma-late ang artista niya, huwag daw talagang male-late tapos dapat prepared ka na pagpunta sa set.

ADVERTISING

“Hindi talaga ako pasaway pero siyempre ayoko lang din na hindi ko ma-meet yung expectation ng director sa akin. Kasi yun lang naman ang sinusunod ko, eh, kung ano yung sinabi ng director yon ang gagawin ko.”

Pagkatapos irepresent ni Maxine ang Pilipinas sa Miss Universe pageant ay  pinasok ni Maxine ang pag-arte na hindi niya ini-expect na mae-enjoy rin niyang gawin.

“Sobrang nai-enjoy ko talaga and at the same time kapag nag-a-acting na ako nailalabas ko lahat ng mga gusto kong ilabas. Kasi dati, pigil na pigil ako kasi siyempre yung upbringing kasi sa amin, sa family namin na very conservative.

Maxine Medina, kasamang bibida ni Gloria  Diaz sa ‘The Beauty Queens’ ng iWant
Maxine Medina

“Hindi ka puwedeng maging malandi. Hindi ka puwedeng maging ganyan. Basta alam mo yung parang ano… hangga’t kaya mong tiisin, tiisin mo, pero do as much as kung ano yung tinuro ni God, kung ano yung tinuro ni Jesus, ng parents mo.

“Pero nung pinasok ko na ang pag-arte, napakarami kong natutunan. Masuwerte rin ako na lagi akong tinuturuan ng mga co-actors ko noon sa Los Bastardos.  Everytime na meron kaming scenes together sinasabi nila may mga ways kung paano ka magsu-switch on at magsu-switch off.  Yon yung natutunan ko sa kanila. Kaya happy ako kasi yung soul ko, na parang kailangan kong maglabas dito and then pag-cut okey na ako, na I can be like Maxine again,” sambit pa niya.

 

ADVERTISING