Maxine Medina, hiniwalayan ng dyowa dahil nainip na kakahintay?

ADVERTISING

Maxine Medina, hiniwalayan ng dyowa dahil nainip na kakahintay?

Maxine Medina, hiniwalayan ng dyowa dahil nainip na kakahintay?
Maxine Medina

BONGGA si Maxine Medina sa magiging out-of-the-box role (character) niya sa comedy film na Pinay Beauty (She’s No White) na tungkol sa pangarap ng ilang mga kababayan nating Pinoy na gusto pumuti or magmukhang “Caucasian”.

ADVERTISING

“It’s funny. Lahat yata kami natatawa sa mga eksena namin,” kuwento ng dating Miss Universe-Philippines 2016 sa grand presscon ng pelikula na official entry para sa darating na FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapaood sa darating na August 15-21 sa buong kapuluaan.

Sa katunayan, sa presscon last Tuesday July 17 ay kadarating lang niya from her family vacation sa US.

Hindi maiwasan na maitanong sa dalaga ang tunay na dahilan ng break-up nila ng longtime boyfriend niya na si Marx Topacio na isa din modelo.

ADVERTISING
Maxine Medina, hiniwalayan ng dyowa dahil nainip na kakahintay?
Maxine Medina and Marx Topacio

Kuwento ni Maxine: “Siguro po masyado nawala ang focus ko kay God,” sabi niya.

Para kay Maxine, now lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makapag-pray para sa career at family niya.

“Medyo na let-go ko sila,” sabi nito sa press.

  Now that ang status niya ay single, mas may panahon siya sa kanyang showbiz career na bukod sa pagbabawi niya na mas lalong mapalapit sa kanyang pamilya.

Is it true na kaya sila naghiwalay ni Marx na ayaw lang i-expound ng dalaga ay ang diumano’y na nagpakasal na si Marx sa dating girlfriend nito dahil hindi na nakapaghintay kay Maxine?        

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING