Maxene Magalona, to the rescue sa iniintrigang ina!

ADVERTISING

Maxene Magalona, to the rescue sa iniintrigang ina!Maxene Magalona, to the rescue sa iniintrigang ina!TV5 IS IN the eye of the storm. At napagigitnaan pa ang beleaguered network ng dalawang matitinding bagyo, ‘ika nga.

On one side is GMA’s threat to file appropriate charges against Mo Twister. Pero dahil wala pang injunction order kung kaya’t patuloy na nakapagge-guest ang TV host in at least two TV5’s shows, ang Juicy at Paparazzi.

ADVERTISING

Sa isang banda naman ay ang kaso ni Willie Revillame, kung saan hindi pinahihintulutan ang pagbati nito on-camera kay John Estrada ng ABS-CBN. Sa programang PO5 naganap ang appearance na ‘yon ni Willie, na kinakailangang i-edit out lest charges would be filed against TV5.

Kagyat namang nag-isyu ng official statement ang Kapatid network, and we quote: “We respect Willie’s contractual obligations with ABS-CBN. We thank him for taking the time to surprise our host John Estrada during his birthday celebration. But we also don’t want Willie to get into trouble for it. That’s why despite clamor that we air his full appearance on PO5, our legal department contacted ABS-CBN’s legal department and we were advised by ABS-CBN that the airing for Willie’s full appearance on PO5 will be a violation of their agreement,” unquote.

Intindido naman ng TV5 ang posisyon ng dalawang network, lalo’t alam din naman nila kumbaga sa pagbagsak ng malakas na ulan ay mistula itong batya na sumasalo lang mula sa alulod. But since TV5 has gone full blast, infusing millions if not billions in capital investment, bakit hindi ito bumuo ng sariling talent o artist center?

ADVERTISING

NAG-REACT SI MAXENE Magalona sa kapirasong news item (hindi rito sa Pinoy Parazzi) tungkol sa pang-aagaw ng eksena ng kanyang inang si Pia mula sa mga anak nito sa mga interviews.

To the rescue si Max sa ina, saying na ginagawa lang daw nito ang kanyang trabaho bilang manager nilang magkakapatid. Thus, Pia is out there to represent her children in negotiations. Nagkataon lang daw na may isyu sa pagitan ng kanyang ina at ng kampo ni Ely Buendia.

Dagdag pa ni Max: “We would not have become who we are now if not for our mother. She brought us up well. Kaya ang masasabi ko lang sa mga nang-iintriga sa family ko, don’t mess with the Mags (Magalonas)!”

KUMBAGA SA BOKSING, finally, Diz Iz It has thrown in the towel. Nakatakda na kasi itong magbabu sa ere makaraan din ng ilang buwang pakikipagbuno sa kalaban nitong Showtime.

Kung matatandaan, bagong GMA show sana ang isasalpak sa timeslot nito na pinagpalabasan muna ng ilang not-so-old teen-oriented movies ng Viva Films. It turned out later na ang oras palang ‘yon ay nabili ng Tape, Inc.

Dahil wala pa kaming naaamoy na bagong programa as a network insider, mukhang ibabalik uli ang timeslot na ‘yon in giving way to movies again. Well, that’s life on TV. You never know when life stops.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING