Maxene Magalona, mahusay na nagaya ang amang si Francis M.

Maxene Magalona, mahusay na nagaya ang amang si Francis M.

Maxene-MagalonaIBA-IBA ANG reaksyon ng netizens sa resulta ng Your Face Sounds Familiar nu’ng Sunday. Merong agree na si Maxene Magalona ang manalo dahil mahusay ito sa pag-i-impersonate niya sa tatay na si Francis M. Pero para sa iba, mas deserviing manalo that night si Melai Cantiveros na gumaya kay Rhiana.

Kahit hindi kaboses ni Melai si Rhiana, kamukha naman niya ito. Kuhang-kuha rin ni Melai ang mga emote pati na ang projection ni Rhiana. Ang ganda riin ng pagkaka-make-up kay Melai, huh!

Bukod kay Melai, puwede ring mag-top sa walong contenders nu’ng Sunday si Nyoy Volante na ginaya si Sylvia Latorre. Effortless si Nyoy na gayahin pati operatic voice ni Sylvia sa kantang Sa Kabukiran. Pati itsura niya, Sylviang-Sylvia kahit na lalaki siya.

Kaya sinuman daw kina Nyoy at Melai ang puwedeng mag-top, but not Maxene. But this is the netizens opinion, ha, and they’re free to say what they want to say. Kaya lang, siyempre, may judges ang Your Face Sounds Familiar at mahalaga ang desisyon at binibigay na scores nina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Jed Madela.

La Boka
by Leo Bukas