Maxene Magalona, dream makatrabaho sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz

Maxene Magalona, dream makatrabaho sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz

Maxene-MagalonaMASAYA SI Maxene Magalona na si Zanjoe Marudo ang kanyang unang nakatrabaho sa primetime series ng ABS-CBN na Dream Dad. Ito ang kanyang unang teleserye sa kanyang paglipat sa Kapamilya Network.

Bukod kay Zanjoe, she wanted to work with Piolo Pascual din daw. Isa raw ito sa mga actor na ina-admire niya noon pa man.

“Kasi parang everytime nakikita ko siya, talagang ang guwapo-guwapo niya,” ani Maxene. “At napakagaling din niyang umarte. Of course, John Lloyd (Cruz)… gusto ko rin. Kasi fan na fan ako ni John Lloyd. Pinapanood ko ‘yong movies nila ni Bea Alonzo. At talagang gusto ko ring siyang makatrabaho in the future.”

Unang teleserye nga ni Maxene ang Dream Dad sa paglipat niya sa ABS-CBN. Kumusta ang first day of work niya para rito?

“Nakakakaba. Pero at the same time, ‘yon… nakaka-excite. Kinabahan ako pero at the same time parang… sanay na rin naman ako sa taping. Pero siyempre it’s a new environment. And it’s a new network. Kaya noong una, nakikibagay muna. Kinakapa-kapa ko ‘yong mga tao. And then ‘yon… naging totoo lang ako. Naging kung paano lang talaga ako sa totoong buhay, kung sino talaga ako sa trabaho.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan