Max Eigenmann, nagmamahadera sa half-sister na si Andi Eigenmann

ADVERTISING

Max Eigenmann, nagmamahadera sa half-sister na si Andi Eigenmann

Andi Eigenmann, Jake Ejercito and Max Eigenmann
Andi Eigenmann, Jake Ejercito and Max Eigenmann

Mahadera ang tawag ko sa mga taong nakikialam sa buhay at desisyon ng ibang tao.

Eksenadora at gustong magpapansin itong half-sister sa ama ni Andi Eigenmann na si Max Eigenmann dahil ito mismo ang nagmamahadera at nagkukumpirma na si Jake Ejercito diumano ang tunay na ama ng anak sa pagkadalaga ni Andi na si Ellie na until now, wala pa ring kumpirmasyon ang aktres kung sino ba talaga ang ama ng kanyang anak.

Kalurkey! Si Andi na nanahimik na at nangako na ayaw nang pag-usapan si Jake (just for now?), heto naman ang takaw at uhaw sa publisidad na half-sister niya ang umeeksena ngayon at ibinuyangyang ang impormasyon na alam “diumano” kung sino ang ama sa online radio show (podcast) ng kontrobersiyal na si DJ Mo.

Ano nga naman ang karapatan nitong si “half-sister” na ipangalandakan niya ang kung ano mang sikreto or impormasyon na ayaw i-share ni Andi sa publiko?

ADVERTISING

Palibahasa uhaw sa publisidad si half-sister, wala ako nakikitang dahilan para pangunahan niya ang aktres.

Para masaya ang showbiz at tsikahan, ibinunyag na rin ni half-sister na may bago na si Andi. Na ang “Mr. Delicious” ngayon ng aktres ay no less than si Emilio Arambulo na isang surfer at almost a year now ang relasyon ng dalawa, ayon sa tsismis ni half-sister tungkol sa kapatid.

I’m sure, giyera ito sa mag-half-sister kapag naburyong si Andi sa pakikialam ni Max sa isyu ng buhay ng aktres.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING