Max Collins, wala pang planong mag-pose nang sexy sa men’s mag

ADVERTISING

Max Collins, wala pang planong mag-pose nang sexy sa men’s mag

Max-CollinsPARA KAY Max Collins, malaking turning point sa kanyang acting career ang maging isa sa pangunahing cast ng seryeng Kailan Tama Ang Mali? sa GMA 7. Kasama niya rito ina Geoff Eigenman, Empress Shuck, at Dion Ignacio.

ADVERTISING

“Mature na talaga ‘yong role kumpara sa mga nai-portray ko in the past,” aniya.

“It tacles the life of mag-asawa. At talagang pinaghihirapan po namin ang bawat episode nito at talagang hindi po ito madali para sa amin. May mga aspects na nakare-relate ako sa character ko dahil alam ko kung paano maging career-driven. Kung pano ma-prioritize ang family dahil priority ko talaga ang family ko.

“Pero wala pa po akong asawa. Hindi ko pa po naranasan ‘yon. Hindi ko pa po naranasang magbuntis. So ibang Max Collins ang nakita sa soap na ito. No’ng umpisa, talagang nanibago ako. And talagang nahirapan ako do’n sa roloe ko as Amanda kasi mabigat talaga siya. Mabigat ‘yong pinagdaanan ng characters namin ni Geoff bilang mag-asawa.”

ADVERTISING

First daring role din ito ni Max. Dahil sa kissing scenes at love scenes nila ni Geoff sa part ng story na intimate at okey pa ang pagsasama nila.

“Nakatulong ‘yong pagiging close na namin ni Geoff as friends dati pa para maging at ease ako sa kanya no’ng time na ginawa namin ‘yong mga eksenang ‘yon. At saka hindi po namin inisip kung ano ang nararamdaman naming actors sa scene na ‘yon, kundi trabaho ito na kailangan naming pagbutihan. And alam namin na we’re on the same stage. Kaya hindi naman kami nahirapan sa mga eksenang gano’n.”

Si Empress ang pumapapel na kontrabida sa pagsasama nina Max at Geoff bilang mag-asawa. May confrontation scenes sila na mabigat talaga.

“Talagang mainit ‘yong mga eksena na ‘yon. Mainit sa galit na kailangang mataas ‘yong energy namin. Kasi sa story, parehong malakas ang aming personality. So, kapag nag-aaway kami… grabe talaga. Kahit ‘yong confrontation scenes namin ni Geoff, heavy rin talaga. Sobrang nakatsa-challenge.”

Since game na siya sa mature at daring roles na may kissing scenes at lovescenes, open na rin kaya siya sa pagpu-pose nang sexy sa men’s magazine?

“Sa ngayon po, wala pa ‘yon sa plano. Pero for the sake of the show, iba po ‘yon. Kasi minsan, kailangan po kasi sa story. Para magampanan namin namin na tulad sa totoong buhay. Kaya kailangan ko siyang gawin. Pero pagpapa-sexy sa men’s magazine, wala pa po ‘yon sa plano as of now.”

Paano kung biglang may offer na at maganda naman ang terms na nakalatag?

“If ever, pag-iisipan ko pa po. But as of now, ayoko pa po.”

E, kung sa pelikula kaya na talagang maganda ‘yong role pero daring o sexy nga?

“Kung si Direk Maryo (J. delos Reyes) po ang director, baka pag-isipan ko. Baka magyi-yes po ako kapag siya ang magdidirek. Pero kung ibang director… depende po siguro iyon sa kuwento kung talaga babagay sa akin. At kung kaya ko talaga siyang gampanan nang maigi. Kasi ayokong pumasok sa isang bagay na hindi ko kayang i-fulfill o gawin nang maayos.”

Single sa ngayon si Max. Pero dati ay naugnay siya sa aktor na si Pancho Magno, pero naging short-lived lang ang kanilang romance.

“Mas pinili po namin na mag-focus sa career muna sa ngayon,” paliwanag ni Max.

Pareho sila ni Geoff na walang karelasyon sa kasalukuyan. At dahil magkapareha sila sa isang project at madalas na nagkakasama, maging open din kaya ang possibility na baka magkagustuhan sila gaya ng ibang stars na nagiging partners onscreen?

“Masyado pa pong maaga para masabi kung may future ‘yong ganyan,” nangiting huling nasabi ni Max.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING