Max Collins , una’t huli ang sexy cover sa isang men’s mag

Max Collins , una’t huli ang sexy cover sa isang men’s mag

Max-CollinsWALA MUNANG panahon sa lovelife si Max Collins kahit three years na siyang walang boyfriend. Pero hindi naman daw niya binasted ang Kapuso actor na si Pancho Magno na nanliligaw sa kanya. Ipinaliwanag daw niya nang maayos sa binata na hindi niya priority ngayon ang pakikipagrelasyon.

“Naiintindihan naman n’ya ‘yon kasi mabuting tao siya. Kasi sa trabaho ko ngayon, hindi ko maibibigay ‘yung time sa kanya. Magiging unfair lang ako at ayoko namang maging ganu’n sa kahit sinong magiging boyfriend ko,” paliwanag ni Max na bida sa teleseryeng Kailan Ba Tama Ang Mali with Geoff Eigenmann, Empress Schuck, and Dion Ignacio.

Ayon pa kay Max, hindi niya hinahanap ang pagkakaroon ng boyfriend dahil nag-i-enjoy siya sa takbo ng kanyang career. Malaki rin daw ang naitulong ng pagpo-pose niya bilang April cover girl sa FHM para mas madagdagan ang kanyang self confidence. Napansin din daw niya na mas dumami ang kanyang lalaking fans after FHM thing.

“Dati kasi parang mga bata lang, eh. Tapos ‘yung ibang lalaki parang nasusupladahan sila sa akin kasi mestiza ako tapos Inglisera. But after FHM nakita nila na hindi naman pala ako ganu’n, na madali naman pala akong kausapin and very approachable,” natatawa niyang pahayag.

Kahit naging FHM cover girl na si Max, wala muna raw siyang balak mag-pose nang sexy sa iba pang men’s mag. So far, first and last muna raw ang FHM.

La Boka
by Leo Bukas