Max Collins, nakikipagsabayan sa award-winning actors

ADVERTISING

Max Collins, nakikipagsabayan sa award-winning actorsMax Collins, nakikipagsabayan sa award-winning actorsMARAMING NAPAHANGA sa kanyang galing sa pag-arte ang isa sa maituturing na newest Kapuso Star na si Max Collins sa isa sa top rating soap ng GMA 7 na Pahiram ng Sandali, kung saan nakikipagtagisan ito ng galing sa pag-arte with award-winning actors Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Christopher de leon at Alessandra De Rossi.

Very Thankful nga raw si Max sa magandang break na ibinigay sa kanya ng GMA 7 na mapasama sa nasabing serye, dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang mahuhusay na actor sa bansa.

ADVERTISING

At kahit nga medyo daring ang ilang eksena nito sa nasabing soap, carry lang daw ni Max dahil maganda ang nasabing proyekto at kinakai-langan naman daw sa role na kanyang ginagampanan dito.

 

PALAISIPAN SA marami kung sinong young star ang sinasabing niregaluhan daw ng controversial na attorney na si Ferdinand Topacio ng mamahaling kuwintas na ayaw nitong sabihin ang presyo, pero sa hitsura ay mukhang nagkakahalaga raw ng humigit kumulang P500 thousand.

ADVERTISING

Ang nasabing young star daw ang sinasabing bagong hinahangaan ni Atty. Topacio na ayaw nitong banggitin ang pangalan at kung saang TV network, everytime na mai-interview ito ng press people.

Iwas-intriga raw si Atty. at ayaw raw nitong iwasan siya ng nasabing young star kapag ibinulgar nito ang pangalan nito. Regalo raw ito at walang ibang meaning. Natuwa lang daw ito sa bagets kaya niya niregaluhan ng mamahaling kuwintas.

Basta clue lang ni Atty. na mabait, sikat at maraming proyekto ang nasabing young star, at kahit anong kulit sa kanya ng press people, tikom ang bibig ni Atty. at talagang mahirap paaminin kung sino ang sinasabi nitong young star.

 

MARIING PINABULAANAN ng isa sa host ng Game ‘N Go All Stars at isa bagong dagdag sa lumalaking pamilya ng Good Morning Club na si Edu Manzano na sa kanya ga-ling ang balitang ikakasal na ang kanyang anak na si Luis Manzano sa GF nitong si Jennylyn Mercado.

Ayon kay Edu, wala siyang ganu’ng sinabi. Hindi nga raw nito alam na may ganu’ng isyu at sa kanya pa mismo galing ang pagkakalat na magpapakasal na ang kanyang anak. Hindi raw niya pangungunahan ang desisyon ng kanyang anak. If ever daw na totoo ang nasabing tsismis, mas maganda raw na manggaling ito kay Luis at hindi sa kanya.

Sa ngayon daw, wala naman daw nababanggit sa kanya si Luis tungkol sa pagpapakasal. Dahil if ever daw na totoo ito, alam niyang sasabihin sa kanya nito. Pero ilang beses na raw silang nagkikita ng kanyang anak, wala naman daw nababanggit si Luis na magpapakasal na sila ni Jennylyn.

Basta happy raw siya sa magandang itinatakbo ng career ng kanyang anak at masaya naman daw ito at okey ang relationship with Jennylyn na very matured lady sa kanyang murang edad kung ilarawan ni Edu.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING