Max Collins, may gustong kumidnap

Max Collins, may gustong kumidnap

Max-CollinsKUWENTO NGA ng isang reproter ng Startalk, nasalubong daw nila sina Andrea Torres at Max Collins nu’ng nakaraang Lunes, binati raw niya bakit hindi sila dumalo sa FHM party, dedma lang daw si Andrea. Hindi sumagot. Si Max lang daw ang bumeso sa reporter na ito, pero wala siyang sinabing dahilan, dahil parang nagmamadali sila pabalik sa set ng Bubble Gang.

Nalaman na lang ng mga taga-Startalk na kaya hindi naman dumalo si Max sa FHM party, dahil may mga death threats pala itong natatanggap.

Mahigit two weeks na raw silang nakatatanggap ng death threats thru text. Ang PA daw ni Max ang nakatatanggap, at may nagparating din daw sa Mommy ni Max na gusto nilang i-kidnap ang Kapuso actress.

Meron pa raw umaali-aligid sa bahay nina Max kaya natakot na sila. Na-report na raw nila ito sa mga pulis. Iyon daw ang dahilan kung bakit umatras na silang mag-FHM at baka nga magkatotoo itong mga threats na natatanggap niya.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kuwento naming ito ni Max. Pero nilinaw ni Max na hindi boycott kay Jennylyn Mercado kaya hindi ito nakadalo sa FHM party. Natakot lang daw talaga siya sa mga threats na natatanggap nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis