Max Collins, ibinuyangyang na ang katawan sa men’s mag

Max Collins, ibinuyangyang na ang katawan sa men’s mag

Max-CollinsNAGBUYANGYANG NA rin ng kanyang katawan sa men’s magazine na FHM si Max Collins na isa sa mga bida sa teleserye ng GMA-7 na Kailan Ba Tama Ang Mali?. Si Max ang covergirl ng FHM for the month of March na nataon pang anniversary issue ng FHM.

Sey ni Max, apat na taon siyang niligawan ng FHM para mag-cover at ngayong 2015 lang siya nakapag-decide na tanggapin ito.

“I think as an actress, lahat ng stages talaga pagdaraanan mo. I’ve been at the same stage for so long and since it’s a newyear, I thought maybe it’s time to do something different, something a little more crazy, a little more out of the box kayanaisip ko na, it’s time for me to grow up not just be a litle girl anymore and this is the first big step,” reaksyon ng dalaga kung bakit siya napapapayag mag-pose for FHM.

Simula na ba ito ng pagpapaka-daring niya?

“Siguro daring in a sense na this is me as a more mature woman, hindi na ako bata, I’m up for more challenges. And it’s a new year, parang new me na rin. Pero depende pa rin po sa project, kung maganda naman ‘yung project, I’m up for doing sexy roles or more mature roles.

“I feel really lucky to be one of FHM’s cover girls and not just one of the cover girls, but their 15th anniversary cover girl, so its really an honor. I may not be as sexy as them, but I’m just really thankful to be considered as sexy because FHM chose me,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas