Maureen Mauricio, muling nabigyan ng break sa showbiz

ADVERTISING

Maureen Mauricio, muling nabigyan ng break sa showbiz

Maureen Mauricio
Maureen Mauricio

By chance, nakasaubong ko ang kaibigang Maureen Mauricio last Monday afternoon sa ELJ Bldg sa ABS-CBN compound habang papasok ako sa loob.

Almost 3 years na pala ang huling pagkikita namin during her pictorial cum pocket interview with Mario Bautista, Bayani San Diego of The Philippine Inquirer, and Edwin Sallan of Interaksyon. Dahil sa write-ups ng 3 batikang manunulat, nalaman ng Kapamilya Network na gusto niya muling magbalik-showbiz.

Dahil hindi maramot ang pagkakataon, nabigyan siya muli ng break na umarte via “Bridges of Love”, kung saan she played mom to Jericho Rosales and Paulo Avelino.

Sabi ko kay Mau, hindi ko masyadong nasundan ang istorya ng “Bridges…” pero based on feedbacks, madugo raw ang drama serye.

ADVERTISING

“Si Echo sa akin lumaki. Si Paulo naman dahil naglayas at napadpad, kung saan-saan na, ang nagpalaki sa kanya ay si Janice (Jurado). Ang ganda ng exposure ko sa show,” kuwento niya para ma-refresh kami tungkol sa serye.

Pagkatapos ng top rating drama-serye, regular na muli ang guesting niya sa drama anthologies ng Kapamilya Network. Kaya nga nang kumukontak sa kanya ang ibang istasyon, kampante na si Maureen sa kanyang presence sa Kapamilya Network. Dumaragsa nga ang offers sa kanya.

Happy kami sa kaibigang Maureen dahil sa magagandang kaganapan sa showbiz career niya.

For now, for bookings, inquires, and assignments para kay Maureen, please contact Powerhouse Arte, Inc. headed by Ana Goma.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING