Maureen Mauricio, kapansin-pansin ang mahusay na pagganap sa serye

ADVERTISING

Maureen Mauricio, kapansin-pansin ang mahusay na pagganap sa serye

Maureen-MauricioHINDI NGA naging sagabal ang matagal na pagbabakasyon sa sirkulasyon nitong si Maureen Mauricio. Aba, marami ang nagsasabing mahusay siyang umarte sa Bridges of Love sa ABS-CBN.

ADVERTISING

Sa mga hindi nakaaalam, siya po ‘yung gumaganap na ina nina Jericho Rosales at Paulo Avelino.

“Nagpapasalamat ako dahil sa malaking tiwala sa akin ng ABS-CBN,” sey niya.

Likas ang galing niyang umarte dahil nga isa siya sa naging baby ni the late Lino Brocka. Basta’t nahawakan ka ni Direk Lino, siguradong mahusay kang artista.

ADVERTISING

Nag birthday siya last June 23. May birthday wish ba siya?

“Sabi ko nga, wala namang perfect na family. Pero harinawa ang akin ay maging perfect. Libre naman ang wish, ‘no!” sey pa niya.

Sa mga nanonood ng Bridges of Love, kapansin-pansin ang malaki niyang nunal sa mukha. Balita namin ay ipatatanggal daw niya ito.

“Sabi ng mga anak ko, bakit ko raw ipatatanggal ang nunal ko e, ikaw ‘yan,” tsika pa ni Maureen. “Lumalaki na kasi e. Minsan, nakakailang na. Wala namang problema kung dapat nang tanggalin,” aniya. “Pero hindi pa ngayon.”

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING