Maui Taylor ipatatanggal na ang breast implant

Leo Bukas

TAONG 2002 nang i-launch ng Viva Films sa sexy thriller film na Gamitan si Maui Taylor. Kapartner niya rito si Wendell Ramos at Jordan Herrera.

Pinag-usapan nang husto ang pelikula dahil sa breast exposure ni Maui na noon ay hindi pa inaamin na nagkaroon siya ng breast implant.

Maui Taylor ipatatanggal na ang breast implant
Maui Taylor

Pero pagkatapos ng halos dalawang dekada ay nagdesisyon ang aktres na ipatanggal na ang kanyang breast implant. Hindi na raw kasi ito nire-required sa panahon ngayon para masabing sexy ang isang artistang babae.

“Nu’ng time namin po na nagse-sexy kami sa pelikula, talagang kailangan meron kang enhancement. Pero ngayon, you can be sexy naman po even without that one, eh,” katwiran ni Maui.

Ayon pa sa sexy star, hindi na siya kumportable sa size ng kanyang boobs dahil ang pakiramdam niya habang tumatagal ay pabigat ito nang pabigat. Naiilang na rin daw siya ngayon dahil meron na siyang dalawang anak na lalaki.

Lahad ni Maui, “Naiilang na din ako kapag meron akong eksena na naka-bathing suit ako. It’s time to take it down kasi siyempre, meron akong two boys na pinapalaki na sobrang overprotective din sa akin.”

Nagpa-schedule na si Maui sa kanyang surgeon kung kailan tatanggalin ang kanyang silicon implant and anytime soon ay babalik na rin daw sa normal ang lahat.

“Baka po itong March kasi naghahanap lang po ako ng free time sa schedule ko. It needs kasi at least mga three weeks na healing period,” balita pa niya.

Hindi naman pinagsisisihan ni Maui ang ginawa niya noon na pagpapa-breast implant.

“Kinailangan ko din kasi yon noon as a sexy star. Nakadagdag din yon to boost my confidence and wala namang regrets sa naging desisyon ko noon,” pahayag niya.