Maui Taylor game na game sa girl-to-girl kissing scene kay Rose Van Ginkel sa ‘69+1’

Leo Bukas

PALABAS NA ngayon sa Vivamax at iba pang streaming platform ang pelikulang 69+1. The film is Direk Darryl Yap’s 9th film  for Viva Films. Tungkol ito sa polyamorous relationship o yung tinatawag na open relationship na karaniwan nang nagaganap sa mga Western culture pero patago palang dito sa atin.

Sa pelikula, Maui Taylor shares a lesbian relationship with Rose Van Ginkel. Papasok sa buhay nila si Janno Gibbs at siya ang “plus one” sa istorya.

Maui Taylor game na game sa girl-to-girl kissing scene kay Rose Van Ginkel sa ‘69+1’
Rose Van Ginkel and Maui Taylor

Walang pakialam si Maui kung may intimate scenes man sila ni Rose sa pelikula dahil hindi naman daw niya first time na gawin ito. Ayon pa sa sexy actress, may naka-girl-to-girl kissing scene na daw siya sa isang TV series at may kissing scene din sila noong araw ni Rica Peralejo sa pelikulang Balahibong Pusa in 2001.

Hindi ba niya na-experience ang girl-to-girl relationship in real life?

“Yung generation kasi namin we were boxed, eh. Kumbaga, we were made to think, believe, and see that we will only to have a relationship to one person and yung one person na yon kailangan boy and girl lang.

“So, never akong dumating du’n sa point na gusto kong mag-experiment with the same sex? Aaminin ko, nagkaroon ako ng mga kumbaga tipong nang-two time ako,  two relationships, sabay — two guys,” pagsisiwalat ni Maui.

“Pero yung same sex, never ko siyang in-explore,” giit pa niya.

Pero hindi naman itinanggi ni Maui na nagkaroon siya noon ng mga manliligaw na lesbians.

Aniya, “Naranasaan ko kung paano manligaw ang same sex at talagang pag pinor-sue ka nila talagang gusto ka nila! Hahaha! Gusto ka talaga nila.”