Matulis na pulitiko, matinik sa sexy stars!

ADVERTISING

MATINIK SA MGA magaganda at seksing showbiz bebots ang isang pulitiko sa Kabisayaan. At hindi basta startlet ang nakukuha at nabubuntis ng pulitikong ito. May mga namesung ang mga nadadale nito.

Isang dating miyembro ng dati ring sikat na all-female group ang sinasabing huling naanakan ng matulis na pulitiko. Pero bago iyon, isang French ang sinasabing bubuyog na umaali-aligid sa bulaklak na ito. Ano kaya ang nangyari at nasalisihan o naagaw ng isa pang bubuyog ang nektar ni sexy star?

ADVERTISING

May mga anak din (mga anak, ibig sabihin hindi lang isa) ang nasabing pulitiko sa isa pang dating sexy star. Dating beauty queen ang nasabing sexy star at dalawang beses nitong ni-represent ang bansa sa dalawang magkahiwalay na world beauty titles: ‘yung isa, sa Ecuador; ‘yung isa, sa India.

Kahit daw pinagsawaan na ang former beauty queen, at nakahanap na ng iba pang kandungan ang pulitiko, hindi raw ito maiwan-iwan. Ginagamit kasi ng former beauty queen ang kanilang mga anak bilang panakot sa pulitiko.

Sinu-sino sila? Ang pulitiko ay may-ari ng isang gaming business; may kuneksiyon ang launching movie ng ex-member ng all-female group sa tulay sa EDSA at sa Mexico; at huling lumabas ang former beauty queen sa isang teleseryeng may kinalaman sa perlas.

ADVERTISING

At least, nagkakalat ng magagagandang lahi si pulitiko sa kapuluaan ng Pilipinas, huh!

(By Danilo Jaime Flores)

ADVERTISING