Matteo Guidicelli, takot ‘pag may lumabas na video scandal niya

Matteo Guidicelli, takot 'pag may lumabas na video scandal niya

Matteo Guidicelli, takot 'pag may lumabas na video scandal niyaSa interview namin kay Matteo Guidicelli sa pocket presscon ng advocacy film niyang “Tupang Gala”, natanong namin siya kung ano ang reaksyon niya sa mga naglalabasang sex video sa social media ng kapwa niya rin aktor sa showbiz.

Biniro pa namin siya na hindi kaya magulat na lang kami na meron na rin siyang ganu’ng video scandal?

“Wala naman. Wala namang ganu’n,” natatawa niyang reaksyon. “Naku, kung meron, yari tayo ro’n. Nakakatakot naman ‘yon,” sabi ulit niya na umiiling-iling pa.

“Alam naman natin ‘yung mga ginagawa natin. Alam naman natin na faithful tayo sa girlfriend natin at okey naman lahat, ‘di ba?”

“Delikado ‘yang social media. We all have to be careful on what we post, not just about scandal or anything but what we say on social, what we put on it because the whole world sees it,” patuloy pa niya.

Ano naman ang masasabi niya sa mga actors na nai-involve sa ganu’ng mga video scandal?

“We just have to be more aware lang siguro. It’s hard to say, we cannot talk on behalf of them but it’s hard to say, kasi social media is open to anybody, eh. Kahit ‘yung walang alam sa mga bagay, ‘di ba, meron pa silang comment.

“‘Yon nga, kailangan lang siguro talaga nating maging careful. Careful naman ako sa aking Twitter and Instagram account,” pagmamalaki pa ng bida sa Tupang Ligaw na idinirek ng comics novelist na si Rod Santiago.

La Boka
by Leo Bukas